Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • w93 2/1 p. 32
  • “Mga Lirio sa Parang”

Walang available na video.

Sorry, nagka-error sa paglo-load ng video.

  • “Mga Lirio sa Parang”
  • Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
Ang Bantayan Naghahayag ng Kaharian ni Jehova—1993
w93 2/1 p. 32

“Mga Lirio sa Parang”

KAWALANG-HANAPBUHAY. Patuloy na tumataas na halaga ng mga bilihin. Karalitaan. Krisis sa ekonomiya. Ang mga salitang ito ay lumilitaw nang madalas sa mga balita. At ipinakikita rito ang mga kahirapan na napapaharap sa milyun-milyon samantalang kanilang pinagsisikapang pakainin at paramtan ang kanilang mga pamilya at magkaroon ng matitirahan.

Ang mga sumasampalataya at mga di-sumasampalataya ay pare-parehong apektado. Subalit ang mga sumasampalataya ay hindi nag-iisa sa pagharap sa mga suliraning iyon. Sa pagsasalita sa mapagpakumbabang mga tao noong unang siglo, sinabi ni Jesus: “Masdan ninyong mabuti ang mga ibon sa langit, sapagkat hindi sila naghahasik ni gumagapas man ni nagtitipon man sa mga bangan; gayunma’y pinakakain pa rin sila ng inyong Ama sa langit. Hindi baga lalong higit ang halaga ninyo sa kanila?”​—Mateo 6:26.

Sinabi rin ni Jesus: “Kayo’y matuto ng aral sa mga lirio sa parang, kung papaanong nagsisilaki; sila’y hindi nagpapagal, ni nagsusulid man; ngunit sinasabi ko sa inyo na si Solomon man sa buong kaluwalhatian niya ay hindi nakagayak na gaya ng isa sa mga ito. Ngunit kung pinararamtan ng Diyos ng ganito ang damo sa parang, . . . hindi baga kayo ay lalong higit na pararamtan niya?”​—Mateo 6:28-30.

Ito ba’y nangangahulugan na ang isang Kristiyano ay hindi na kailangang magtrabaho para mabuhay? Hindi naman! Ang isang Kristiyano ay gumagawang puspusan upang may maibayad sa kaniyang mga pagkakautang. Sinabi ni apostol Pablo: “Kung ang sinuman ay ayaw magtrabaho, huwag siyang pakanin.” (2 Tesalonica 3:10) Gayumpaman, ang isang Kristiyano ay palaisip sa mapagmahal na pangangalaga sa kaniya ng Diyos at may pananampalataya na ang kaniyang makalangit na Ama ay nagbabantay sa kaniya. Sa gayon, siya’y hindi nababahala ng mga kabalisahan sa buhay. Kahit na sa mga panahon ng kahirapan, ang pinakamahalagang mga bagay​—espirituwal na mga bagay​—​ang kaniyang inuuna. Siya’y naniniwala sa mga salita ni Jesus: “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at lahat ng iba pang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.”​—Mateo 6:33.

    Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
    Mag-Log Out
    Mag-Log In
    • Tagalog
    • I-share
    • Gusto Mong Setting
    • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
    • Kasunduan sa Paggamit
    • Patakaran sa Privacy
    • Privacy Settings
    • JW.ORG
    • Mag-Log In
    I-share