Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Magpakita ng Pagtitiwala Kay Jehova—Sa Pamamagitan ng Pagkakapit ng mga Bagay na Natutuhan
    Ang Bantayan—1988 | Agosto 15
    • 11. Paano ngang ang ilan ay nasilo sa paghanap sa materyal na mga bagay, at bakit ito kamangmangan?

      11 “Patuloy, kung gayon, na hanapin muna ang kaharian at ang kaniyang katuwiran, at lahat ng iba pang mga bagay na ito ay idaragdag sa inyo.” (Mateo 6:33) Anong lungkot nga na ang ilan ay hindi nakinig sa mga salitang iyan! Sila’y napadala sa alamat ng katatagan sa pananalapi, kaya parang hibang na ang hinanap nila’y kayamanan, edukasyon sa sanlibutan, at makasanlibutang mga karera, na “nagtitiwala sa kanilang kayamanan.” (Awit 49:6) Ganito ang babala ni Solomon: “Huwag kayong magpagal upang magkamit ng kayamanan. . . . Dito mo ba itinitig ang iyong mga mata, gayong ito’y walang kabuluhan? Sapagkat walang pagsalang ito’y magkakapakpak na tulad ng isang agila at lilipad patungo sa dakong kalangitan.”​—Kawikaan 23:4, 5.

  • Magpakita ng Pagtitiwala Kay Jehova—Sa Pamamagitan ng Pagkakapit ng mga Bagay na Natutuhan
    Ang Bantayan—1988 | Agosto 15
    • 13. Bakit ang pinakamagaling ay ang makontento ka na sa “pagkain at pananamit”?

      13 Yaong mga nagtitiwala na si Jehova ang maglalaan para sa kanila ay nakaiiwas sa maraming pasakit at kabalisahan. Totoo, ang pagiging kontento sa “pagkain at pananamit” ay maaaring mangahulugan ng pagsunod sa isang higit na katamtamang pamantayan ng pamumuhay. (1 Timoteo 6:8) Subalit “ang kayamanan ay hindi pakikinabangan sa araw ng poot.” (Kawikaan 11:4) Isa pa, pagka ating pinalawak ang ating paglilingkod kay Jehova, tayo’y napapahanay sa mga tatanggap “ng pagpapala ni Jehova” na “nagpapayaman, at hindi niya dinaragdagan ng kapanglawan.”​—Kawikaan 10:22.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share