Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Narito! Ang Tao!”
    Ang Bantayan—1991 | Enero 1
    • Kaya, bilang tugon sa kanilang mga kahilingan​—at sa paghahangad na mabigyang-kasiyahan ang karamihan higit kaysa inaakala niyang tama​—si Barabas ang pinawalan ni Pilato sa kanila. Kaniyang dinala si Jesus at pinahubaran at pagkatapos ay ipinabugbog. Ito ay hindi karaniwang panggugulpi. Ang ugaling Romano na pambubugbog ay iniuulat ng The Journal of the American Medical Association:

      “Ang karaniwang ginagamit ay isang maikling panggulpi (flagrum o flagellum) na may kakabit na maraming nagsosolo o tinirintas na mga panghampas na kuwero na may iba’t ibang haba, na kinakabitan ng maliliit na mga bolang bakal o matatalas na piraso ng mga buto ng tupa sa pagitan. . . . Habang ang likod ng biktima ay ubod-lakas na pinapalo ng mga sundalong Romano, ang mga bolang bakal ay lumilikha ng malalalim na pasâ, at ang mga panghampas na kuwero at mga buto ng tupa ay sumusugat sa balat at sa mga laman na nasa ilalim nito. Pagkatapos, habang nagpapatuloy ang panggugulpi, ang mga sugat ay tumatagos hanggang sa nakapailalim na mga kalamnan ng buto at ang ibinubunga’y nangangatog na mga likaw ng nagdurugong laman.”

  • “Narito! Ang Tao!”
    Ang Bantayan—1991 | Enero 1
    • Bagaman sugatán at pasa-pasa, narito’t nakatayo ang pinakamahalagang nilikha sa buong kasaysayan, tunay na ang pinakadakilang tao na nabuhay kailanman! Oo, makikita kay Jesus ang isang tahimik na dangal at pagkamahinahon na nagbabadya ng kadakilaan na kinilala kahit na ni Pilato, sapagkat ang kaniyang mga salita ay lumilitaw na may kahalong kapuwa paggalang at awa. Juan 18:39–19:5; Mateo 27:15-17, 20-30; Marcos 15:6-19; Lucas 23:18-25.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share