Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Sasang-ayunan ni Jehova?
    Ang Bantayan—1988 | Nobyembre 15
    • 2 Pagkatapos na mapakumbabang tumalima si Juan, at umahon si Jesus sa tubig, “ang langit ay nabuksan, at kaniyang nakita na bumababa na gaya ng kalapati ang espiritu ng Diyos.” Higit pa sa riyan, “mayroong tinig na nagmula sa langit na nagsabi: ‘Ito ang sinisinta kong Anak, na aking sinang-ayunan.’” (Mateo 3:16, 17; Marcos 1:11) Anong pambihirang pagpapahayag! Tayong lahat ay natutuwa na makalugod sa kaninuman na ating iginagalang. (Gawa 6:3-6; 16:1, 2; Filipos 2:19-22; Mateo 25:21) Gunigunihin, kung gayon, kung ano ang madarama mo kung sakaling nagpahayag ang Diyos na makapangyarihan-sa-lahat, ‘Sinang-ayunan kita!’

  • Sino ang Sasang-ayunan ni Jehova?
    Ang Bantayan—1988 | Nobyembre 15
    • Ano ang Kahulugan ng Kaniyang Sinabi?

      4. (a) Ano ang diwa ng salitang Griego para sa “sinang-ayunan” sa pahayag ng Diyos? (b) Bakit ang paggamit noon sa kasong ito ay kapuna-puna?

      4 Sa mga ulat ng Ebanghelyo ng mga sinalita ng Diyos na “aking sinang-ayunan [si Jesus]” ginagamit ang Griegong pandiwa na eu·do·keʹo. (Mateo 3:17; Marcos 1:11; Lucas 3:22) Ito’y nangangahulugang “malugod na mainam, ituring na may kabutihan, malugod sa,” at ang anyong pangngalan nito ay may diwa na “kabutihang-loob, kaluguran, pabor, hangarin, nasà.” Ang eu·do·keʹo ay hindi limitado ang kahulugan sa pagsang-ayon ng Diyos. Halimbawa, ang mga Kristiyano sa Macedonia ‘ay nalugod’ na mag-abuluyan upang maitulong sa iba. (Roma 10:1; 15:26; 2 Corinto 5:8; 1 Tesalonica 2:8; 3:1) Sa kabila nito, ang pagsang-ayon na tinanggap ni Jesus ay ang Diyos ang nagpahayag, hindi ang mga tao. Ang terminong ito ay ginagamit kung tungkol kay Jesus pagkatapos lamang na siya’y mabautismuhan. (Mateo 17:5; 2 Pedro 1:17) Kapuna-puna, sa Lucas 2:52 ay ginagamit ang isang naiibang salita​—khaʹris​—sa pagtukoy kay Jesus bilang isang di pa bautismadong bata na tumanggap ng “pabor” sa Diyos at sa mga tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share