Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagbabagong-anyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Bago umakyat sa bundok, tinanong ni Kristo ang lahat ng kaniyang tagasunod: “Sino ako ayon sa sinasabi ng mga tao?” Sumagot si Pedro: “Ikaw ang Kristo.” Sa gayon ay sinabi ni Jesus sa kanila na siya’y mamamatay at bubuhaying-muli (Mar 8:27-31), ngunit nangako rin siya na ang ilan sa kaniyang mga alagad ay ‘hindi makatitikim ng kamatayan’ hanggang sa makita muna nila “ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang kaharian,” o “ang kaharian ng Diyos na dumating na sa kapangyarihan.” (Mat 16:28; Mar 9:1) Natupad ang pangakong ito “pagkaraan ng anim na araw” (o ‘walo’ ayon kay Lucas, dahil lumilitaw na isinama niya ang araw nang bitiwan ang pangako at ang araw nang matupad iyon) noong sina Pedro, Santiago, at Juan ay sumama kay Jesus sa “isang napakataas na bundok” (Mat 17:1; Mar 9:2; Luc 9:28) kung saan nagbagong-anyo si Jesus sa harap nila habang nananalangin siya.

  • Pagbabagong-anyo
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang pagbabagong-anyo ay waring nagpatibay kay Kristo para sa kaniyang mga pagdurusa at kamatayan. Nagbigay din ito ng kaaliwan sa mga tagasunod niya at nagpalakas ito ng kanilang pananampalataya. Ipinakita nito na taglay ni Jesus ang pagsang-ayon ng Diyos, at nagsilbi itong pangitain tungkol sa kaniyang panghinaharap na kaluwalhatian at kapangyarihan sa Kaharian. Patiuna nitong inilarawan ang pagkanaririto ni Kristo, kapag ganap na ang kaniyang makaharing awtoridad.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share