Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Maraming Tao ang Lumapit sa Kaniya”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • 2 Matapos makipag-usap si Jesus sa ilang lider ng relihiyon tungkol sa isang napakahalagang paksa, lumapit sa kaniya ang mga tao. Dinala ng ilang tao ang mga anak nila para makita si Jesus. Makikita nating iba-iba ang edad ng mga bata. Ginamit ni Marcos ang salitang “bata” nang tukuyin niya ang isang 12 taóng gulang na bata. “Maliliit na anak” naman ang ginamit ni Lucas. (Lucas 18:15; Marcos 5:41, 42; 10:13) Dahil napakaraming bata, siguradong maingay at magulo roon. Inisip ng mga alagad na walang panahon si Jesus sa mga batang iyon at maaabala lang siya ng mga ito, kaya sinaway nila ang mga magulang. Ano ang ginawa ni Jesus?

  • “Maraming Tao ang Lumapit sa Kaniya”
    Halika Maging Tagasunod Kita
    • 4, 5. (a) Paano natin nalaman na madaling lapitan si Jesus? (b) Anong mga tanong ang sasagutin sa kabanatang ito?

      4 Kung istrikto, suplado, o mayabang si Jesus, posibleng hindi siya lapitan ng mga bata, at kahit ng mga magulang nila. Pag-isipan ito: Nakangiti ang mga magulang habang karga ng isang napakabait na lalaki ang mga anak nila at pinagpapala ang mga ito. Siguradong napakasaya nila dahil ipinakita ni Jesus na napakahalaga sa Diyos ang mga bata. Kahit napakaraming responsibilidad ni Jesus, siya pa rin ang pinakamadaling lapitan sa lahat ng tao.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share