Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bakit Dapat Kang Mag-alay at Magpabautismo?
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • 2. Anong mga pagpapala ang ibibigay ni Jehova sa mga bautisado niyang Saksi?

      Kapag nagpabautismo ka, bahagi ka na ng masayang pamilya ni Jehova. Mararamdaman mo ang pagmamahal niya sa iyo sa maraming paraan. At siguradong mas mapapalapít ka sa kaniya. (Basahin ang Malakias 3:​16-18.) Magiging Ama mo si Jehova, at magkakaroon ka ng espirituwal na mga kapamilya sa buong mundo na nagmamahal sa kaniya at sa iyo. (Basahin ang Marcos 10:​29, 30.) Pero siyempre, may mga kailangan kang gawin para mabautismuhan. Kailangan mong matuto tungkol kay Jehova, mahalin siya, at manampalataya sa Anak niya. At pinakahuli, dapat mong ialay ang buhay mo kay Jehova. Kapag ginawa mo ang mga ito at nagpabautismo ka, magkakaroon ka na ng pag-asang mabuhay magpakailanman. Sinasabi ng Salita ng Diyos: “Ang bautismo . . . ay nagliligtas din ngayon sa inyo.”​—1 Pedro 3:21.

  • Makakayanan Mo ang Pag-uusig
    Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
    • Baka pigilan tayo ng mga kapamilya natin na maglingkod kay Jehova. Iyan mismo ang sinabi ni Jesus. Basahin ang Mateo 10:​34-​36. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      • Ano ang posibleng mangyari kung ipasiya ng isang miyembro ng pamilya na maglingkod kay Jehova?

      Para makita ang isang halimbawa, panoorin ang VIDEO. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:

      VIDEO: Kinupkop Kami ni Jehova (5:​13)

      • Ano ang gagawin mo kung pahintuin ka ng kapamilya o kaibigan mo na maglingkod kay Jehova?

      Basahin ang Awit 27:10 at Marcos 10:​29, 30. Sa bawat pagbasa ng teksto, talakayin ang tanong na ito:

      • Paano makakatulong sa iyo ang pangakong ito kapag pinag-usig ka ng kapamilya o kaibigan mo?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share