Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pinahahalagahan ni Jehova ang Inyong Buong-Kaluluwang Paglilingkuran
    Ang Bantayan—1997 | Oktubre 15
    • 16. (a) Paano napagmasdan ni Jesus ang abuloy ng dukhang babaing balo? (b) Gaano ang halaga ng mga barya ng babaing balo?

      16 Pagkaraan ng dalawang araw, noong Nisan 11, gumugol si Jesus ng isang maigting na maghapon sa templo, kung saan hinamon ang kaniyang awtoridad at sinagot niya ang mahihirap na tanong tungkol sa mga buwis, pagkabuhay-muli, at iba pang bagay. Tinuligsa niya ang mga eskriba at Fariseo dahil, bukod sa iba pang bagay, kanilang ‘nilalamon ang mga bahay ng mga babaing balo.’ (Marcos 12:40) Pagkatapos ay naupo si Jesus, malamang na sa bandang Looban ng mga Babae, kung saan, ayon sa tradisyong Judio, ay may 13 kabang-yaman. Naupo siya sumandali, anupat matamang pinagmamasdan ang mga tao habang naghuhulog ng kanilang mga abuloy. Maraming mayayaman ang dumating, marahil ang ilan ay nag-aanyong matuwid-sa-sarili, na may kasama pa ngang pagpaparangya. (Ihambing ang Mateo 6:2.) Napako ang tingin ni Jesus sa isang partikular na babae. Maaaring hindi mapansin ng isang ordinaryong tao ang anumang pambihirang bagay tungkol sa kaniya o sa kaniyang kaloob. Ngunit batid ni Jesus, na nakababasa ng nasa puso ng iba, na siya ay “isang dukhang babaing balo.” Alam din niya ang eksaktong halaga ng kaloob nito​—“dalawang maliit na barya, na may napakaliit na halaga.”b​—Marcos 12:41, 42.

  • Pinahahalagahan ni Jehova ang Inyong Buong-Kaluluwang Paglilingkuran
    Ang Bantayan—1997 | Oktubre 15
    • b Bawat isa sa mga baryang ito ay isang lepta, ang pinakamaliit na baryang Judio na ginagamit noong panahong iyon. Ang dalawang lepta ay katumbas ng 1/64 ng sahod sa isang araw. Ayon sa Mateo 10:29, sa halagang isang beles (ang katumbas ng walong lepta), ang isang tao ay makabibili ng dalawang maya, na kabilang sa pinakamurang ibon na kinakain ng mga dukha. Kaya talaga namang dukha ang balong ito, sapagkat kalahati lamang ng halagang kailangan upang makabili ng isang maya ang taglay niya, na hindi sapat para sa isang kainan.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share