Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Gumamit ng Kaunawaan ang Mambabasa”
    Ang Bantayan—1999 | Mayo 1
    • 18, 19. Anong mga dahilan ang ibinigay upang ipakita na ang ‘pagtakas tungo sa mga bundok’ ay hindi nangangahulugan ng pagbabago ng relihiyon?

      18 Matapos ihula ‘ang pagtayo ng kasuklam-suklam na bagay sa isang dakong banal,’ binabalaan ni Jesus ang mga taong may unawa na sila’y kumilos na. Ang ibig ba niyang sabihin ay na sa dakong huli​—kapag “ang kasuklam-suklam na bagay” ay “nakatayo sa isang dakong banal”​—maraming tao ang tatakas mula sa huwad na relihiyon at yayakap sa tunay na pagsamba? Hindi naman. Tingnan ang unang katuparan. Sinabi ni Jesus: “Yaong mga nasa Judea ay magpasimulang tumakas patungo sa mga bundok. Ang tao na nasa tuktok ng bahay ay huwag bumaba, ni pumasok man upang kumuha ng anumang bagay mula sa kaniyang bahay; at ang tao na nasa bukid ay huwag bumalik sa mga bagay sa likuran upang kunin ang kaniyang panlabas na kasuutan. Kaabahan sa mga babaing nagdadalang-tao at doon sa mga nagpapasuso ng sanggol sa mga araw na iyon! Patuloy na manalangin na huwag itong mangyari sa panahon ng taglamig.”​—Marcos 13:14-18.

  • “Gumamit ng Kaunawaan ang Mambabasa”
    Ang Bantayan—1999 | Mayo 1
    • 23, 24. (a) Saan lamang tayo makasusumpong ng proteksiyon? (b) Ano ang dapat na maging epekto sa atin ng babala ni Jesus tungkol sa ‘kasuklam-suklam na bagay na nakatayo sa isang dakong banal’?

      23 Talagang nakatitiyak tayo na ang ating kaligtasan ay mananatiling kay Jehova at sa kaniyang tulad-bundok na organisasyon. (2 Samuel 22:2, 3; Awit 18:2; Daniel 2:35, 44) Doon natin masusumpungan ang proteksiyon! Hindi natin tutularan ang karamihan sa sangkatauhan na tatakas patungo sa “mga yungib” at magtatago sa “malalaking bato ng mga bundok”​—ang mga organisasyon at institusyon ng tao na maaaring manatili nang napakaikling panahon matapos itiwangwang ang Babilonyang Dakila. (Apocalipsis 6:15; 18:9-​11) Totoo, maaaring maging lalong mahirap ang panahon​—gaya ng maaaring nangyari noong 66 C.E. sa mga babaing nagdadalang-tao na tumakas sa Judea o sa sinuman na kinailangang maglakbay sa isang panahong malamig at maulan. Ngunit makatitiyak tayo na pangyayarihin ng Diyos ang ating kaligtasan. Ngayon pa lamang ay patibayin na natin ang ating pananalig kay Jehova at sa kaniyang Anak, na ngayo’y namamahala na bilang Hari sa Kaharian.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share