Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Dinala si Jesus kay Anas, Pagkatapos ay kay Caifas
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Sinampal ng isang guwardiya si Jesus at sinabi: “Ganiyan ka ba sumagot sa punong saserdote?” Pero alam ni Jesus na wala siyang ginawang masama, kaya sinabi niya: “Kung may sinabi akong mali, patunayan mo; pero kung tama ang sinabi ko, bakit mo ako sinampal?” (Juan 18:22, 23) Pagkatapos, ipinadala ni Anas si Jesus sa kaniyang manugang na si Caifas.

      Kumpleto na ngayon ang mga miyembro ng Sanedrin—ang kasalukuyang mataas na saserdote, matatandang lalaki, at mga eskriba. Nagtipon sila sa bahay ni Caifas. Ilegal na maglitis sa gabi ng Paskuwa, pero tuloy pa rin ang kanilang maitim na balak.

      Malabong maging patas ang grupong ito. Matapos buhaying muli ni Jesus si Lazaro, nagpasiya ang Sanedrin na patayin si Jesus. (Juan 11:47-53) At ilang araw pa lang ang nakalilipas mula noong magsabuwatan ang mga lider ng relihiyon para dakpin si Jesus at patayin. (Mateo 26:3, 4) Oo, bago pa man litisin si Jesus, sentensiyado na siya ng kamatayan!

  • Ikinaila ni Pedro si Jesus
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Nang arestuhin si Jesus sa hardin ng Getsemani, nagtakbuhan ang mga apostol at iniwan siya. Pero dalawa sa kanila ang huminto at bumalik, si Pedro “pati na ang isa pang alagad,” na lumilitaw na si apostol Juan. (Juan 18:15; 19:35; 21:24) Marahil ay naabutan nila si Jesus noong dinadala siya kay Anas. Nang ipadala ni Anas si Jesus sa mataas na saserdoteng si Caifas, sumunod sa di-kalayuan sina Pedro at Juan. Takót na takót silang madamay pero nag-aalala rin sila sa kanilang Panginoon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share