-
Saan at Kailan Isinilang si Jesus?Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Si Cesar Augusto, ang emperador ng Imperyo ng Roma, ay nag-utos na magparehistro ang lahat. Kaya kinailangang umuwi nina Jose at Maria sa lunsod ng Betlehem, sa timog ng Jerusalem, kung saan ipinanganak si Jose.
Marami ang pumunta sa Betlehem para magparehistro. Walang ibang matuluyan sina Jose at Maria kundi sa isang kuwadra, na kulungan ng mga asno at iba pang hayop. Doon isinilang si Jesus. Binalot siya ni Maria ng tela at inihiga sa isang sabsaban, kung saan inilalagay ang pagkain ng mga hayop.
Malamang na tiniyak ng Diyos na iuutos ni Cesar Augusto ang pagpaparehistrong ito. Bakit? Para maisilang si Jesus sa Betlehem, ang bayan ng ninuno niyang si Haring David. Matagal nang inihula sa Kasulatan na sa lunsod na ito isisilang ang ipinangakong Tagapamahala.—Mikas 5:2.
-
-
Saan at Kailan Isinilang si Jesus?Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Marami sa ngayon ang naniniwala na si Jesus ay isinilang nang Disyembre 25. Pero sa Betlehem, maulan at malamig ang buwan ng Disyembre. Kung minsan, umuulan pa nga ng niyebe. Sa gayong mga panahon, walang pastol na mananatili nang magdamag sa kaparangan kasama ng kanilang kawan. Isa pa, nagbabanta nang magrebelde sa emperador ng Roma ang mga tao roon, kaya malabong iutos niya na maglakbay ang mga ito sa kasagsagan ng taglamig para magparehistro. Lumilitaw, isinilang si Jesus sa buwan ng Oktubre.
-