Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Isang Samaritano ang Napatunayang Isang Mabuting Kapuwa
    Ang Bantayan—1998 | Hulyo 1
    • Si Jesus ay nagpatuloy: “Isang Samaritano na naglalakbay sa daan ang dumating sa kaniya.” Ang pagbanggit tungkol sa isang Samaritano ay tiyak na nagpatindi sa pananabik ng abogado. Sasang-ayunan kaya ni Jesus ang negatibong pangmalas sa lahing ito? Sa kabaligtaran, sa pagkakita sa sawing-palad na manlalakbay, ang Samaritano “ay naantig sa pagkahabag.” Sinabi ni Jesus: “Kaya lumapit siya sa kaniya at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binubuhusan ang mga iyon ng langis at alak. Pagkatapos ay isinakay niya siya sa kaniyang sariling hayop at dinala siya sa isang bahay-tuluyan at inalagaan siya.b At nang sumunod na araw siya ay naglabas ng dalawang denario, ibinigay ang mga iyon sa tagapag-ingat ng bahay-tuluyan, at nagsabi, ‘Alagaan mo siya, at anuman ang gugulin mo bukod pa rito, babayaran ko sa iyo pagbalik ko rito.’ ”​—Lucas 10:33-35.

  • Isang Samaritano ang Napatunayang Isang Mabuting Kapuwa
    Ang Bantayan—1998 | Hulyo 1
    • b Ang ilang bahay-tuluyan noong panahon ni Jesus ay maliwanag na naglalaan hindi lamang ng tirahan kundi ng pagkain at iba pang mga serbisyo. Maaaring ito ang uri ng tuluyan na nasa isipan ni Jesus, sapagkat ang salitang Griego na ginamit dito ay iba sa “silid-tuluyan” sa Lucas 2:7.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share