Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Suportahan ang mga Sister sa Kongregasyon
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Setyembre
    • Nakaupo si Jesus habang nagtuturo. Nakaupo sina Marta at Maria sa paanan niya at nakikinig sa kaniya. Collage: 1. Mag-asawang dumalaw sa may-edad nang sister. Kausap ng brother ang may-edad nang sister at inaayos naman ng asawa niya ang mga grocery. 2. Mag-asawang nagpa-family worship kasama ang isang sister at anak nitong babae. 3. Tinutulungan ng brother ang dalawang sister na magpalit ng gulong ng kotse nila.

      Gaya ni Jesus, maipapakita rin nating nagmamalasakit tayo sa tapat na mga sister (Tingnan ang parapo 6-9)e

      6. Paano tinulungan ni Jesus sina Marta at Maria, gaya ng sinasabi sa Lucas 10:38-42?

      6 Nagbigay si Jesus ng panahon sa mga babaeng lingkod ng Diyos at naging isang tunay na kaibigan nila. Naging kaibigan niya sina Maria at Marta, na malamang ay parehong walang asawa. (Basahin ang Lucas 10:38-42.) Dahil sa pagsasalita at pagkilos ni Jesus, naging komportable sila sa kaniya. Hindi nahiya si Maria na maupo sa paanan ni Jesus bilang isang alagad.c At hindi rin nahiya si Marta na sabihin kay Jesus ang nasa isip niya nang hindi siya tulungan ni Maria. Sa pagkakataong iyon, may naituro si Jesus na magagandang aral sa magkapatid. At ipinakita niya ang malasakit sa kanila at sa kapatid nilang si Lazaro nang dalawin niya ulit sila sa iba pang pagkakataon. (Juan 12:1-3) Kaya noong magkasakit nang malubha si Lazaro, alam nina Maria at Marta na makakahingi sila ng tulong kay Jesus.​—Juan 11:3, 5.

  • Suportahan ang mga Sister sa Kongregasyon
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2020 | Setyembre
    • c Sinabi ng isang reperensiya: “Ang mga alagad ay nauupo sa paanan ng kanilang guro. Ginagawa ito ng mga alagad bilang paghahanda na maging guro. Hindi ito puwedeng gawin ng mga babae. Malamang na nagulat ang karamihan sa mga lalaking Judio nang makita ang posisyon at kagustuhan ni Maria na matuto mula kay Jesus.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share