Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 1
    • NANGANGALAY na si Maria sa kaniyang pagkakaupo dahil ilang oras na siyang nakasakay sa isang asno. Sa unahan, patuloy naman sa paglakad si Jose habang inaakay niya ang asno patungo sa Betlehem. Malayu-layo pa rin ang lalakbayin nila. Muli na namang nararamdaman ni Maria ang pagsipa ng sanggol sa kaniyang sinapupunan.

      Kabuwanan na ni Maria; inilarawan siya ng Bibliya noong panahong iyon na “kagampan” na. (Lucas 2:5) Habang dumaraan ang mag-asawa sa mga bukirin, malamang na ang ilan sa mga magsasakang nag-aararo o nagtatanim ay napapatingin at nagtataka kung bakit naglalakbay ang isang babaing malapit nang manganak. Bakit kinailangang maglakbay ni Maria mula sa kaniyang tahanan sa Nazaret?

  • Bumuo Siya ng “mga Palagay sa Kaniyang Puso”
    Ang Bantayan—2008 | Oktubre 1
    • Magkagayunman, isinulat ni Lucas na umalis si Jose “upang magparehistrong kasama ni Maria.” Binanggit din niya na si Maria ay “ibinigay [kay Jose] upang mapangasawa gaya ng ipinangako.” (Lucas 2:4, 5) Dahil asawa na siya ngayon ni Jose, isinasaalang-alang na ni Maria si Jose sa kaniyang mga desisyon. Para kay Maria, ang asawa niya ang kaniyang ulo pagdating sa espirituwal na mga bagay, anupat ginaganap ni Maria ang kaniyang bigay-Diyos na papel bilang kapupunan sa pamamagitan ng pagsuporta sa mga desisyon ni Jose.a Dahil sa pagiging masunurin, napagtagumpayan niya ang posibleng hamong ito sa kaniyang pananampalataya.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share