Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Tapat at Maingat na Alipin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa katulad na ilustrasyong nasa Lucas 12:42-48, ang alipin ay tinatawag na isang katiwala, samakatuwid nga, isang tagapamahala sa sambahayan o administrador, isa na inatasan sa mga lingkod, bagaman siya mismo ay isa ring lingkod. Noong sinaunang mga panahon, ang posisyong iyon ay kadalasang ginagampanan ng isang tapat na alipin. (Ihambing ang Gen 24:2; gayundin ang kaso ni Jose sa Gen 39:1-6.) Sa ilustrasyon ni Jesus, ang katiwala ay inatasan lamang na mangasiwa at mamahagi ng pagkain sa lupon ng mga tagapaglingkod, o mga lingkod, ng panginoon sa tamang panahon, at nang maglaon, dahil sa kaniyang tapat at maingat na pag-aasikaso sa paglilingkod na ito, pinalawak ang kaniyang atas anupat kasama na rito ang pangangasiwa sa lahat ng mga ari-arian ng panginoon. Hinggil sa pagkakakilanlan ng “panginoon” (sa Gr., kyʹri·os), naipakita na ni Jesus na hawak niya ang gayong posisyon kung tungkol sa kaniyang mga alagad, at may mga pagkakataong tinawag nila siya nang gayon. (Mat 10:24, 25; 18:21; 24:42; Ju 13:6, 13) Subalit, kanino sumasagisag ang tapat at maingat na alipin, o katiwala, at ano ang kinakatawan ng pamamahagi niya ng pagkain sa mga lingkod ng sambahayan?

  • Tapat at Maingat na Alipin
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ang mga lingkod ng sambahayan ay ang lahat ng kabilang sa kongregasyong Kristiyano, kapuwa ang mga pinahiran at ang “ibang mga tupa,” na binibigyan ng espirituwal na pagkain. (Ju 10:16) Kasama rito ang mga indibiduwal na miyembro na bumubuo sa “tapat at maingat na alipin” dahil tumatanggap din sila ng ipinamamahaging pagkain. Ang mga bumubuo sa tapat na alipin ay tatanggap ng higit na responsibilidad kung madatnan silang tapat sa ipinangakong pagdating ng panginoon. Kapag tinanggap na nila ang gantimpala nila sa langit at naging tagapahamala na sila kasama ni Kristo, aatasan niya sila “sa lahat ng kaniyang mga pag-aari.” Kasama ang lahat ng iba pa sa 144,000, makikibahagi sila sa napakalaking awtoridad ni Kristo sa langit.—Mat 24:46, 47; Luc 12:43, 44.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share