Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Puspusang Magsumikap Kayo”
    Ang Bantayan—1986 | Enero 15
    • 2. (a) Bakit ang kaligtasan ay hindi maaaring bilhin? (b) Paanong ang mga salita ni Jesus sa Lucas 13:24 ay nagpapakita kung ano ang kailangan para sa kaligtasan?

      2 Ang kaligtasan ay hindi maaaring bilhin sa pamamagitan ng pagdalo sa mga pulong o sa pamamagitan ng mga iba pang paraan. Ito ay walang bayad, na kaloob buhat sa Diyos. Gayumpaman, ang Diyos na Jehova ay humihiling sa atin ng mga pagsisikap kung ibig natin tumanggap ng kaniyang kaloob na buhay na walang hanggan. (Roma 6:23) Ano ba ang mga ito? Unang-una, ang puspusang pagsusumikap sa paglilingkuran sa kaniya! Ang mga pagkilos dito ay kailangang udyok ng tunay na pagpapahalaga. Ang Anak ng Diyos, na si Jesu-Kristo, ay minsan tinanong ng isang lalaki: “Panginoon, yaon bang inililigtas ay kakaunti?” Sa kasagutan ni Jesus ay saklaw hindi lamang ang taong nagtanong kundi pati lahat ng mga iba pang interesado sa kaligtasan, kasali na tayo. Siya’y tumugon: “Puspusang magsumikap kayo na pumasok sa pintuang makipot, sapagkat sinasabi ko sa inyo na marami ang magtatangkang pumasok ngunit hindi makapapasok.”​—Lucas 13:23, 24.

      3. (a) Bakit ang tanong ng lalaki ay di-karaniwan? (b) Paano tayo isinasangkot ni Jesus sa kaniyang sagot?

      3 Ang tanong ng lalaking di-binanggit ang pangalan ay di-karaniwan. Siya’y nagtanong: “Yaon bang inililigtas ay kakaunti?” hindi, “Ako ba ay makakabilang doon sa kakaunting ililigtas?” o, “Paano kaya ako maliligtas?” Marahil ang pilosopyang Judio na isang limitadong bilang lamang ng mga tao ang makakaligtas ang nag-udyok sa kaniya na magtanong ng gayon.a Anoman ang dahilan ng kaniyang pag-uusisa, agad namang ang katanungan ay sinagot ni Jesus hindi batay sa malabong haka-haka kundi ikinapit niya iyon sa praktikal na paraan​—personal na pagkakapit. Kaniyang pilit na pinapag-isip ang nagtanong na iyon tungkol sa kung ano ang kailangan niyang gawin para maligtas. Subalit higit pa sa riyan, yamang ang mga salita ni Jesus, na “puspusang magsumikap kayo,” ay nasa anyong pangmaramihan, ito’y dapat ding pumukaw sa atin na mag-isip nang malalim tungkol sa ating paraan ng pagsamba.

  • “Puspusang Magsumikap Kayo”
    Ang Bantayan—1986 | Enero 15
    • a Ang bilang ng mga naliligtas ay isang suliranin ng mga rabbi na lubhang pinagtatalunan nila. Ganito ang sabi ng isang reperensiya sa Bibliya: “Kabilang sa kakatuwang mga guniguni ng mga Rabbi, isa na roon ang pagtatangka na tiyakin ang bilang ng mga naliligtas sa pamamagitan ng dami ng letra ng ganito o ganoon teksto.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share