Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1990 | Marso 15
    • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa

      ◼ Dapat ba nating isipin buhat sa Mateo 7:13, 14 at Lucas 13:24 na kahit na sa pagkabuhay-muli, karamihan ng tao ay tatanggi sa tunay na pagsamba?

      Hindi, ang mga talatang ito ay hindi umaalalay sa ganiyang konklusyon. Bagkus, ang mga ito ay pantanging tumutukoy sa pagtatamo ng buhay sa makalangit na Kaharian.

  • Mga Tanong Mula sa mga Mambabasa
    Ang Bantayan—1990 | Marso 15
    • Ang kahulugan ng Lucas 13:24 ay nahahawig dito, gaya ng ipinakikita ng konteksto. Si Jesus ay nagbigay ng dalawang ilustrasyon tungkol sa “kaharian ng Diyos.” Nang malaunan, siya ay tinanong: “Panginoon, ang mga maliligtas ba ay kakaunti?” Ang tugon ni Jesus: “Kayo’y puspusang magsumikap na pumasok sa pintuang makipot, sapagkat sinasabi ko sa inyo na marami ang magtatangkang pumasok ngunit hindi makapapasok.” Ang “marami” ay tumutukoy sa mga taong nakikiusap na sila’y papasukin pagkatapos na maipinid at masusian ang pinto. Ang mga ito ay “mga manggagawa ng kalikuan” na hindi nakapasa upang makasama “ni Abraham at ni Isaac at ni Jacob at ng lahat ng mga propeta sa kaharian ng Diyos.” Ang “marami” ay nag-akalang sila’y siyang mga mauuna “sa kaharian ng Diyos,” subalit ang totoo sila’y magiging huli, maliwanag na ang ibig sabihin sila ay hindi kailanman makapapasok doon.​—Lucas 13:18-30.

      Ipinakikita ng konteksto na si Jesus ay tumutukoy sa pagpasok sa makalangit na Kaharian ng Diyos. Ang mga pinunong Judio noon ay malaong nagtamasa ng pribilehiyadong katayuan, na may kaugnayan sa Salita ng Diyos. Kanilang inakala na sila’y mayaman sa espirituwal at matuwid sa paningin ng Diyos, kung ihahambing sa mga karaniwang tao, na inaakala nilang mabababang-uri. (Juan 9:24-34) Gayunman, sinabi ni Jesus na ang mga maniningil ng buwis at ang mga patutot na tumatanggap sa kaniyang mensahe at nagsisisi ay makapagtatamo ng pagsang-ayon ng Diyos.​—Ihambing ang Mateo 21:23-32; Lucas 16:14-31.

      Ang karaniwang mga tao na naging mga alagad ni Jesus ay nakahanay na tanggapin bilang espirituwal na mga anak nang mabuksan ang daan para sa mga uring makalangit noong Pentecostes 33 C.E. (Hebreo 10:19, 20) Bagaman ang lubhang karamihan ay nakinig kay Jesus, yaong mga tumanggap sa kaniya at sa bandang huli’y nagtamo ng makalangit na pag-asa ay kakaunti. Subalit ang munting kawan ng mga taong inianak-sa-espiritu na tumanggap sa gantimpalang iyan ay maihahalintulad kay Jacob na nakahilig sa isang mesa sa langit kasama ni Jehova (ang Lalong-dakilang Abraham) at ng kaniyang Anak (inilarawan ni Isaac). Dahil sa katiyakang iyan ay karapat-dapat naman na puspusang magsumikap ang isa, ngunit karamihan ng nakinig kay Jesus ay hindi gumawa ng gayon.

      Kaya naman, makikita natin buhat sa konteksto sa kapuwa banggit na iyan na ang mga sinabi ni Jesus (tungkol sa kakaunti ang nasa makipot na daang patungo sa buhay at naliligtas) ay may kaugnayan lalung-lalo na sa pagkakaroon ng pagsang-ayon ng Diyos sa panahong iyon na Kaniyang inialok ang pag-asang buhay sa langit. Kakaunti sa mga nakapakinig sa mensahe ng katotohanan at nakaalam ng kahilingan ang tumugon at nagpatunay na tapat.​—Mateo 22:14; 24:13; Juan 6:60-66.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share