Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Inistima ng Isang Bantog na Fariseo
    Ang Bantayan—1988 | Disyembre 15
    • “Ang isang tao ay naghanda ng isang malaking hapunan, at marami siyang inanyayahan. At sinugo niya ang kaniyang alipin . . . upang sabihin sa mga inanyayahan, ‘Magsiparito kayo, sapagkat ang lahat ng bagay ay handa na.’ Ngunit silang lahat na parang iisa ay nagsimulang magdahilan. Sa kaniya’y sinabi ng una, ‘Bumili ako ng isang bukid at kailangang umalis ako at tingnan ko iyon; ipinakikiusap ko sa iyo, Pagpaumanhinan mo ako.’ At sinabi naman ng isa, ‘Bumili ako ng limang magkatuwang na bakang lalaki at paroroon ako upang sila’y siyasatin; ipinakikiusap ko sa iyo, Pagpaumanhinan mo ako.’ At isa pa ang nagsabi, ‘Kakakasal-kasal ko lamang sa isang babae kung kaya’t hindi ako makapupunta.’”

  • Inistima ng Isang Bantog na Fariseo
    Ang Bantayan—1988 | Disyembre 15
    • Anong situwasyon ang inilalarawan sa paghahalimbawang iyon? Bueno, “ang panginoon” na naghanda ng hapunan ay kumakatawan sa Diyos na Jehova; “ang alipin” na nag-aanyaya ay si Jesu-Kristo; at ang “malaking hapunan,” ay ang mga pagkakataon na ang isa’y mapahanay sa mga magiging bahagi ng Kaharian ng langit.

      Ang mga unang inanyayahan na pumaroon upang maging bahagi ng Kaharian, higit sa lahat ng mga iba pa, ay yaong Judiong mga pinunong relihiyoso noong kaarawan ni Jesus. Gayunman, kanilang tinanggihan ang paanyaya. Kaya naman, pasimula lalo na noong Pentecostes 33 C.E., pangalawang paanyaya ang ibinigay sa hinahamak at mabababang-loob na mga tao sa bansang Judio. Subalit hindi sapat ang tumugon upang mahusto ang ilalagay sa 144,000 puwesto sa makalangit na Kaharian ng Diyos. Kaya’t noong 36 C.E., tatlo at kalahating taon ang nakalipas, ang ikatlo at pangkatapusang paanyaya ay ibinigay sa di-tuling mga di-Judio, at ang pagtitipon sa kanila ay nagpatuloy hanggang sa ika-20 siglo. Lucas 14:1-24.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share