-
Imbitasyon sa Salusalo—Sino ang Imbitado ng Diyos?Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
“May isang tao na naghanda ng isang engrandeng hapunan, at marami siyang inimbitahan. . . . Isinugo niya ang kaniyang alipin para sabihin sa mga inimbitahan, ‘Halikayo, dahil nakahanda na ang lahat.’ Pero nagdahilan silang lahat. Sinabi ng isa, ‘Bumili ako ng bukid at kailangan kong magpunta roon para tingnan iyon; pasensiya ka na, hindi ako makakapunta.’ At sinabi ng isa pa, ‘Bumili ako ng limang pares ng baka at kailangan kong masubukan ang mga iyon; pasensiya ka na, hindi ako makakapunta.’ Sinabi naman ng isa, ‘Bagong kasal ako kaya hindi ako makakapunta.’”—Lucas 14:16-20.
Napakababaw na dahilan! Bago bumili ng bukid o baka, karaniwan nang tinitingnan muna ito ng bibili, kaya hindi niya kailangang puntahan ito agad pagkabili niya. Ang ikatlong lalaki ay hindi naghahanda ng kasal. Kasal na siya, kaya hindi dahilan iyon para tanggihan ang importanteng imbitasyon. Nagalit ang panginoon sa mga dahilang ito at sinabi sa alipin:
-
-
Imbitasyon sa Salusalo—Sino ang Imbitado ng Diyos?Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Nailarawan sa ilustrasyon ni Jesus ang pag-iimbita ng Diyos na Jehova sa pamamagitan ni Jesu-Kristo ng mga makakasama sa Kaharian ng langit. Ang mga Judio, partikular na ang mga lider ng relihiyon, ang unang inimbitahan. Pero sa panahon ng ministeryo ni Jesus, tinanggihan ng karamihan sa kanila ang imbitasyon. Pero hindi lang sila ang inimbitahan. Ipinakita ni Jesus na sa hinaharap, magpapadala ng ikalawang imbitasyon para sa ordinaryong mga Judio at proselita. Pagkatapos, may ikatlo at huli pang imbitasyon na para naman sa mga taong itinuturing ng mga Judio na hindi karapat-dapat sa Diyos.—Gawa 10:28-48.
-