-
‘Magkaroon Kayo ng Pag-ibig sa Isa’t Isa’Ang Bantayan—2003 | Pebrero 1
-
-
6 Ang ikalawang ilustrasyon ay hinggil sa isang babae. Sinabi ni Jesus: “Sinong babae na may sampung baryang drakma, kung maiwala niya ang isang baryang drakma, ang hindi magsisindi ng lampara at magwawalis sa kaniyang bahay at maingat na maghahanap hanggang sa masumpungan niya ito? At kapag nasumpungan na niya ito ay tatawagin niya ang mga babae na kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, ‘Makipagsaya kayo sa akin, sapagkat nasumpungan ko na ang baryang drakma na naiwala ko.’ Sa gayon, sinasabi ko sa inyo, nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi.”—Lucas 15:8-10.
-
-
‘Magkaroon Kayo ng Pag-ibig sa Isa’t Isa’Ang Bantayan—2003 | Pebrero 1
-
-
Nawala Ngunit Pinahahalagahan
8. (a) Ano ang reaksiyon ng pastol at ng babae nang may mawala sa kanila? (b) Ano ang sinasabi sa atin ng kanilang reaksiyon hinggil sa kung paano nila minalas ang nawalang pag-aari?
8 Sa dalawang ilustrasyon, may isang bagay na nawala, ngunit pansinin ang reaksiyon ng mga may-ari. Hindi sinabi ng pastol: ‘Aanhin ko ang isang tupa samantalang mayroon pa naman akong 99? Mabubuhay naman ako kung wala iyon.’ Hindi sinabi ng babae: ‘Bakit pa ako mag-aalala sa isang baryang iyon? Kontento na ako sa siyam na taglay ko.’ Sa halip, hinanap ng pastol ang kaniyang nawalang tupa na para bang iyon lamang ang tupa niya. At nadama ng babae na waring ang nawalang barya ang tanging baryang taglay niya. Sa dalawang pangyayari, ang nawalang bagay ay nanatiling mahalaga sa isipan ng may-ari. Ano ang inilalarawan nito?
-
-
‘Magkaroon Kayo ng Pag-ibig sa Isa’t Isa’Ang Bantayan—2003 | Pebrero 1
-
-
9. Ano ang inilalarawan ng pagmamalasakit na ipinakita ng pastol at ng babae?
9 Pansinin ang konklusyon ni Jesus sa dalawang pangyayari: “Gayon magkakaroon ng higit na kagalakan sa langit dahil sa isang makasalanan na nagsisisi” at “sa gayon, sinasabi ko sa inyo, nagkakaroon ng kagalakan sa gitna ng mga anghel ng Diyos dahil sa isang makasalanan na nagsisisi.” Samakatuwid, sa maliit na antas, ipinakikita ng pagkabahala ng pastol at ng babae ang damdamin ni Jehova at ng kaniyang makalangit na mga nilalang. Kung paanong nanatiling mahalaga sa paningin ng pastol at ng babae ang bagay na nawala, nananatili ring mahalaga sa paningin ni Jehova ang mga napalayo at nawalan ng kaugnayan sa bayan ng Diyos. (Jeremias 31:3) Ang gayong mga indibiduwal ay maaaring mahina sa espirituwal, subalit hindi naman talaga rebelyoso. Sa kabila ng kanilang mahinang kalagayan, maaaring sa isang antas ay sinusunod pa rin nila ang mga kahilingan ni Jehova. (Awit 119:176; Gawa 15:29) Samakatuwid, katulad ng mga nakalipas na panahon, mabagal si Jehova sa ‘pagtaboy sa kanila mula sa harap ng kaniyang mukha.’—2 Hari 13:23.
10, 11. (a) Paano natin nais malasin yaong mga napalayo sa kongregasyon? (b) Ayon sa dalawang ilustrasyon ni Jesus, paano natin maipakikita ang ating pagmamalasakit sa kanila?
10 Kagaya ni Jehova at ni Jesus, tayo rin ay lubhang nababahala sa mahihina at sa mga hindi na nakikita sa Kristiyanong kongregasyon. (Ezekiel 34:16; Lucas 19:10) Minamalas natin ang indibiduwal na mahina sa espirituwal bilang isang nawalang tupa—hindi isa na wala nang pag-asa. Hindi tayo nangangatuwiran: ‘Bakit pa mag-aalala sa mahina? Maayos naman ang takbo ng kongregasyon kahit wala siya.’ Sa halip, gaya ni Jehova, minamalas natin ang mga napalayo na nagnanais bumalik bilang mga bagay na mahalaga.
-