Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Si Jehova, Isang Diyos na Maawain at Magandang-loob”
    Ang Bantayan—1998 | Oktubre 1
    • 15-17. (a) Ano ang naging reaksiyon ng ama nang makita ang kaniyang anak? (b) Ano ang inilalarawan ng mahabang damit, singsing, at sandalyas na inilaan ng ama sa kaniyang anak? (c) Ano ang ipinakikita ng paghahanda ng ama ng isang piging?

      15 “Habang siya ay malayo pa, nakita siya ng kaniyang ama at naantig sa pagkahabag, at tumakbo siya at sumubsob sa kaniyang leeg at magiliw na hinalikan siya. Sa gayon ay sinabi ng anak sa kaniya, ‘Ama, nagkasala ako laban sa langit at laban sa iyo. Hindi na ako karapat-dapat pang tawaging anak mo. Gawin mo akong gaya ng isa sa iyong mga upahang tao.’ Ngunit sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, ‘Madali! maglabas kayo ng isang mahabang damit, ang pinakamainam, at damtan ninyo siya niyaon, at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay at ng mga sandalyas ang kaniyang mga paa. At dalhin ninyo ang pinatabang batang toro, patayin ninyo iyon at kumain tayo at magpakasaya, sapagkat ang anak kong ito ay patay na at muling nabuhay; siya ay nawala at nasumpungan.’ At nagpasimula silang magpakasaya.”​—Lucas 15:20-24.

  • “Si Jehova, Isang Diyos na Maawain at Magandang-loob”
    Ang Bantayan—1998 | Oktubre 1
    • 17 Nang maabot ng ama ang kaniyang anak, siya’y sumubsob sa leeg ng kaniyang anak at magiliw na hinalikan siya. Pagkatapos ay inutusan niya ang kaniyang mga alipin na bigyan ang kaniyang anak ng isang mahabang damit, isang singsing, at sandalyas. Ang mahabang damit na ito ay hindi lamang isang karaniwang kasuutan, kundi “ang pinakamainam”​—marahil isang burdadong kasuutan na gaya ng ipinagkakaloob sa isang panauhing pandangal. Yamang hindi kadalasang nagsusuot ng singsing at sandalyas ang mga alipin, nililinaw noon ng ama na tinatanggap niyang muli ang kaniyang anak bilang isang ganap na miyembro ng pamilya. Subalit hindi lamang ito ang ginawa ng ama. Nagpahanda siya ng isang piging upang ipagdiwang ang pagbabalik ng kaniyang anak. Maliwanag, hindi mabigat sa loob na pinatatawad ng taong ito ang kaniyang anak o napilitan siyang gawin ito dahil sa pagbabalik ng kaniyang anak; ibig niyang magpatawad. Ikinagalak niya ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share