Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pagbabalik ng Nawalang Anak
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Ang ama kausap ang kaniyang nakatatandang anak na lalaki

      Samantala, nasa bukid ang nakatatandang anak. Sinabi ni Jesus tungkol sa kaniya: “Nang umuwi siya at malapit na sa bahay, nakarinig siya ng musika at sayawan. Kaya tinawag niya ang isa sa mga lingkod at itinanong kung ano ang nangyayari. Sinabi nito sa kaniya, ‘Dumating ang kapatid mo, at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya dahil ligtas na nakabalik sa kaniya ang kapatid mo.’ Pero nagalit siya at ayaw pumasok sa bahay. Kaya pinuntahan siya ng kaniyang ama at pinakiusapan. Sinabi niya sa kaniyang ama, ‘Napakaraming taon na akong nagtatrabaho sa iyo, at sinunod ko ang lahat ng utos mo, pero kahit kailan ay hindi mo ako binigyan ng batang kambing para pagsaluhan namin ng mga kaibigan ko. Pero pagdating na pagdating ng anak mong ito na lumustay ng kayamanan mo sa mga babaeng bayaran, pinatay mo ang pinatabang guya para sa kaniya.’”—Lucas 15:25-30.

      Sino-sino, gaya ng nakatatandang anak, ang bumatikos kay Jesus dahil kinaawaan niya at binigyan ng atensiyon ang ordinaryong mga tao at mga makasalanan? Ang mga eskriba at Pariseo. Dahil sa pagbatikos nila kung kaya ibinigay ni Jesus ang ilustrasyong ito. Kaya ang aral na ito ay dapat seryosohin ng sinumang bumabatikos sa pagpapakita ng Diyos ng awa.

  • Ang Pagbabalik ng Nawalang Anak
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Hindi na sinabi ni Jesus kung ano ang ginawa ng nakatatandang anak nang maglaon. Pero pagkamatay ni Jesus at nang buhayin siyang muli, “isang malaking pulutong ng mga saserdote ang nagsimulang maging masunurin sa pananampalataya.” (Gawa 6:7) Baka ang ilan sa mga ito ay naroon mismo nang ilahad ni Jesus ang mapuwersang ilustrasyon tungkol sa nawalang anak. Oo, kahit ang mga tulad nila ay posibleng matauhan, magsisi, at manumbalik sa Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share