-
Hanapin ang Tunay na KayamananAng Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Hulyo
-
-
4, 5. (a) Ano ang nangyari sa katiwala sa ilustrasyon ni Jesus? (b) Anong payo ang ibinigay ni Jesus sa kaniyang mga tagasunod?
4 Basahin ang Lucas 16:1-9. Pinag-iisip tayo ng ilustrasyon ni Jesus tungkol sa di-matuwid na katiwala. Inakusahan ng pag-aaksaya ang katiwalang ito kung kaya nagpasiya ang kaniyang panginoon na tanggalin siya sa puwesto.a Pero kumilos siya nang may “praktikal na karunungan” dahil ‘nakipagkaibigan’ siya sa mga makatutulong sa kaniya kapag nawalan na siya ng trabaho. Hindi tinuturuan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na kumilos sa di-matuwid na paraan para makaraos sa mundong ito. Sinabi niya na “mga anak ng sistemang ito ng mga bagay” ang gumagawa ng ganito. Pero ginamit niya ang ilustrasyong ito para ituro ang isang mahalagang aral.
5 Alam ni Jesus na gaya ng katiwalang biglang nalagay sa mahirap na sitwasyon, karamihan sa mga tagasunod niya ay kailangang maghanapbuhay sa di-makatarungang mundong ito. Kaya naman pinayuhan niya sila: “Makipagkaibigan kayo . . . sa pamamagitan ng di-matuwid na kayamanan, upang kapag nabigo ang mga iyon ay tanggapin nila [ni Jehova at ni Jesus] kayo sa walang-hanggang mga tahanang dako.” Ano ang matututuhan natin dito?
6. Bakit natin masasabi na ang kasalukuyang sistema ng komersiyo ay hindi bahagi ng layunin ng Diyos?
6 Hindi ipinaliwanag ni Jesus kung bakit niya tinawag na “di-matuwid” ang kayamanan, pero ipinakikita ng Bibliya na hindi bahagi ng layunin ng Diyos ang komersiyalismo. Halimbawa, saganang inilaan ni Jehova ang mga pangangailangan nina Adan at Eva sa Eden. (Gen. 2:15, 16) Noong unang siglo, matapos ibuhos ng Diyos ang banal na espiritu sa kongregasyon ng mga pinahiran, “wala ni isa man ang nagsabi na ang alinman sa mga bagay na pag-aari niya ay sa kaniyang sarili; kundi taglay nila ang lahat ng bagay para sa lahat.” (Gawa 4:32) Sinabi ni propeta Isaias na darating ang panahon na lahat ng tao ay masisiyahan sa saganang likas na yaman ng lupa. (Isa. 25:6-9; 65:21, 22) Samantala, kailangan ng mga tagasunod ni Jesus ang “praktikal na karunungan” para makapaghanapbuhay gamit ang “di-matuwid na kayamanan” ng sanlibutang ito habang nagsisikap silang palugdan ang Diyos.
-
-
Hanapin ang Tunay na KayamananAng Bantayan (Pag-aaral)—2017 | Hulyo
-
-
7. Anong payo ang mababasa sa Lucas 16:10-13?
7 Basahin ang Lucas 16:10-13. Ang katiwala sa ilustrasyon ni Jesus ay nakipagkaibigan para sa pansariling kapakinabangan. Pero hinimok ni Jesus ang mga tagasunod niya na magkaroon ng mga kaibigan sa langit. Ipinakikita ng sumunod na mga talata sa ilustrasyon na ang paggamit ng “di-matuwid na kayamanan” ay nauugnay sa katapatan sa Diyos. Ang punto ni Jesus? ‘Mapatutunayan nating tayo ay tapat’ sa paraan ng paggamit natin sa kayamanang iyon. Paano?
-