Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Taong Mayaman at si Lasaro ay Nakaranas ng Pagbabago
    Ang Bantayan—1989 | Abril 1
    • “At nangyari,” ang sabi ni Jesus, “na namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham. At, namatay naman ang taong mayaman at siya’y inilibing. At sa Hades ay kaniyang itiningala ang kaniyang mga mata, palibhasa’y nasa paghihirap siya, at kaniyang natanaw si Abraham sa malayo at si Lasaro naman ay nasa kaniyang sinapupunan.”

      Yamang ang taong mayaman at si Lasaro ay hindi literal na mga tao kundi makasagisag na uri ng mga tao, makatuwiran na ang kanilang kamatayan ay makasagisag din. Ano ba ang isinasagisag, o kinakatawan ng kanilang kamatayan?

      Katatapos lamang ni Jesus na banggitin ang isang pagbabago sa mga kalagayan sa pamamagitan ng pagsasabi na ‘ang Kautusan at ang mga Propeta ay hanggang kay Juan Bautista, subalit mula noon ang kaharian ng Diyos ay ipinangangaral.’ Samakatuwid, kasabay ng pangangaral ni Juan at ni Jesu-Kristo ang kapuwa taong mayaman at si Lasaro ay namatay sa kanilang dating mga kalagayan, o katayuan.

      Yaong mapagpakumbaba, nagsisising uring Lasaro ay namatay sa kanilang dating kalagayang pinagkaitan ng espirituwal na pagkain at sila’y napapalagay sa katayuan na tumatanggap ng banal na pagpapala. Samantalang dati’y sa mga pinunong relihiyoso sila umaasa ng kung anumang kati-katiting na pagkaing nalalaglag buhat sa espirituwal na hapag, ngayon ang mga katotohanan buhat sa Kasulatan na itinuturo ni Jesus ang tumutustos sa kanilang mga pangangailangan. Sila sa gayon ay dinadala sa sinapupunan o kalagayang pinagpala, ng Lalong-dakilang Abraham, ang Diyos na Jehova.

      Sa kabilang panig naman, yaong mga nasa uring taong mayaman ay nawawalan ng banal na pagpapala dahilan sa patuloy na pagtanggi na tanggapin ang balita ng Kaharian na itinuro ni Jesus. Sila sa ganoon ay namamatay sa kanilang dating katayuan na waring pinagpapala. Sa katunayan, sila’y tinutukoy na dumaranas ng makasagisag na pagpapahirap. Pakinggan ninyo habang nagsasalita ang taong-mayaman:

  • Ang Taong Mayaman at si Lasaro ay Nakaranas ng Pagbabago
    Ang Bantayan—1989 | Abril 1
    • Makatarungan nga at angkop ang ganiyang pagkakapalitan ng kalagayan ng uring Lasaro at ng uring taong-mayaman! Ang pagbabago ng mga kalagayan ay naganap mga ilang buwan pagkatapos ng Pentecostes 33 C.E., nang ang lumang tipang Kautusan ay halinhan ng bagong tipan. Noo’y naging napakalinaw na anupa’t di mapagkakamalan na ang mga alagad ang may pabor ng Diyos, hindi ang mga Fariseo at ang iba pang mga pinunong relihiyoso. Ang “malaking bangin” na naghihiwalay sa makasagisag na taong mayaman buhat sa mga alagad ni Jesus ay kumakatawan samakatuwid sa di-nagbabago, matuwid na kahatulan ng Diyos.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share