Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Taong Mayaman at si Lasaro ay Nakaranas ng Pagbabago
    Ang Bantayan—1989 | Abril 1
    • “At nangyari,” ang sabi ni Jesus, “na namatay ang pulubi at siya’y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham. At, namatay naman ang taong mayaman at siya’y inilibing. At sa Hades ay kaniyang itiningala ang kaniyang mga mata, palibhasa’y nasa paghihirap siya, at kaniyang natanaw si Abraham sa malayo at si Lasaro naman ay nasa kaniyang sinapupunan.”

  • Ang Taong Mayaman at si Lasaro ay Nakaranas ng Pagbabago
    Ang Bantayan—1989 | Abril 1
    • Yaong mapagpakumbaba, nagsisising uring Lasaro ay namatay sa kanilang dating kalagayang pinagkaitan ng espirituwal na pagkain at sila’y napapalagay sa katayuan na tumatanggap ng banal na pagpapala. Samantalang dati’y sa mga pinunong relihiyoso sila umaasa ng kung anumang kati-katiting na pagkaing nalalaglag buhat sa espirituwal na hapag, ngayon ang mga katotohanan buhat sa Kasulatan na itinuturo ni Jesus ang tumutustos sa kanilang mga pangangailangan. Sila sa gayon ay dinadala sa sinapupunan o kalagayang pinagpala, ng Lalong-dakilang Abraham, ang Diyos na Jehova.

      Sa kabilang panig naman, yaong mga nasa uring taong mayaman ay nawawalan ng banal na pagpapala dahilan sa patuloy na pagtanggi na tanggapin ang balita ng Kaharian na itinuro ni Jesus. Sila sa ganoon ay namamatay sa kanilang dating katayuan na waring pinagpapala. Sa katunayan, sila’y tinutukoy na dumaranas ng makasagisag na pagpapahirap. Pakinggan ninyo habang nagsasalita ang taong-mayaman:

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share