Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sampung Ketongin ang Pinagaling—Isa Lang ang Nagpasalamat
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Ang siyam na ketongin ay nagpatuloy sa kanilang pupuntahan. Pero ang isa ay hindi. Ang lalaking ito, na isang Samaritano, ay bumalik para hanapin si Jesus. Bakit? Tinatanaw niyang malaking utang na loob ang paggaling niya kaya gusto niyang pasalamatan si Jesus. Ang dating ketongin ay “sumisigaw ng papuri sa Diyos” dahil alam niyang ang Diyos ang nagpagaling sa kaniya. (Lucas 17:15) Nang makita niya si Jesus, lumuhod siya sa harap ni Jesus at nagpasalamat.

  • Sampung Ketongin ang Pinagaling—Isa Lang ang Nagpasalamat
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Sa pagpapagaling sa 10 ketongin, ipinakita ni Jesus na sinusuportahan siya ng Diyos na Jehova. Ngayon, ang isa sa 10 ketongin ay hindi lang napagaling ni Jesus kundi may pag-asang mabuhay nang walang hanggan. Wala nang gayong makahimalang pagpapagaling sa pamamagitan ni Jesus sa panahon natin. Pero kung mananampalataya tayo kay Jesus, may pag-asa rin tayong mabuhay nang walang hanggan. Tinatanaw ba nating utang na loob iyon at nagpapasalamat ba tayo, gaya ng ginawa ng Samaritano?

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share