Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan—2009 | Enero 1
    • Gaya ng ipinahihiwatig ng Bibliya, masasabing mahirap sina Jose at Maria. Paano natin nalaman? Isa sa mga impormasyong binanggit sa mga Ebanghelyo​—Mateo, Marcos, Lucas, at Juan​—tungkol sa mag-asawang ito ay nagsasabing 40 araw matapos manganak si Maria, siya at si Jose ay nagpunta sa templo para maghandog ayon sa hinihiling ng kautusan​—“isang pares ng batu-bato o dalawang inakáy na kalapati.”a (Lucas 2:22-24) Ang haing ito ay inihahandog lamang ng mahihirap na hindi kayang maghain ng batang lalaking tupa. Kaya malamang na nagsusumikap sina Jose at Maria para makaraos sa buhay. Sa kabila nito, nagawa nilang maging maligaya ang kanilang pamilya at punô ng pagmamahalan. Walang-alinlangan na pangunahin sa kanila ang pagsamba sa Diyos.​—Deuteronomio 6:6, 7.

  • Kung Ano ang Matututuhan Natin sa Halimbawa ni Maria
    Ang Bantayan—2009 | Enero 1
    • a Ang isa sa mga ibon ay inihain bilang handog ukol sa kasalanan. (Levitico 12:6, 8) Nang maghain nito si Maria, kinikilala niya na namana niya, gaya ng lahat ng ibang di-sakdal na tao, ang epekto ng kasalanan ng unang taong si Adan.​—Roma 5:12.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share