-
Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo—Bahagi 6Gumising!—2011 | Abril
-
-
Mababasa rin sa Bibliya ang kapansin-pansing mga hula na isinulat at natupad noong panahon ng Roma. Halimbawa, nang pumunta si Jesus sa Jerusalem, tumangis siya at inihula niya kung paano wawasakin ng mga hukbong Romano ang lunsod. “Ang mga araw ay darating sa iyo na ang iyong mga kaaway ay magtatayo sa paligid mo ng kuta na may mga tulos na matutulis,” ang sabi ni Jesus. “Hindi sila mag-iiwan sa iyo ng bato sa ibabaw ng kapuwa bato, sapagkat hindi mo naunawaan ang panahon ng pagsisiyasat sa iyo.”—Lucas 19:41-44.
-
-
Isang Aklat na Mapagkakatiwalaan Mo—Bahagi 6Gumising!—2011 | Abril
-
-
Kumusta naman ang Jerusalem? Bumalik ang mga hukbong Romano na may bilang na 60,000 sa pangunguna ni Vespasian at ng anak niyang si Tito. Sumugod sila sa lunsod bago ang Paskuwa ng 70 C.E. at nasukol ang mga residente at ang mga dumayo roon para sa pagdiriwang. Kinalbo ng mga kawal na Romano ang kagubatan ng distrito at gumawa sila ng pader ng mga tulos na matutulis, gaya ng inihula ni Jesus. Pagkaraan ng mga limang buwan, bumagsak ang lunsod.
-