-
Ibinunyag ng mga Paghahalimbawa sa UbasanAng Bantayan—1990 | Enero 1
-
-
Pagkatapos ay ipinakita ni Jesus na ang kabiguan ng mga pinunong relihiyosong ito ay hindi lamang dahil sa kanilang pagpapabayang maglingkod sa Diyos. Hindi, kundi sila ay talagang masasamâ, balakyot na mga tao. “May isang tao, isang may-bahay,” ang sabi ni Jesus, “na nagtanim ng isang ubasan at binakuran iyon sa palibot at humukay roon ng isang pisaan ng ubas at nagtayo ng isang bantayan, at ipinagkatiwala iyon sa mga magsasaka, at naparoon sa ibang lupain. Nang dumating ang panahon na aanihin na ang mga bunga, ang kaniyang mga alipin ay pinapunta niya sa mga magsasaka upang kunin ang mga bunga ng kaniyang ubasan. Subalit, kinuha ng mga magsasaka ang kaniyang mga alipin, at ang isa’y kanilang binugbog, yaong isa’y kanilang pinatay, at ang isa pa’y kanilang pinagbabato. Muling pinapunta niya ang iba pang mga alipin, mas marami kaysa nauna, subalit ganoon din ang kanilang ginawa sa mga ito.”
Ang “mga alipin” ay yaong mga propeta na sinugo ng “may-bahay,” ang Diyos na Jehova, sa “mga magsasaka” ng kaniyang “ubasan.” Ang mga magsasakang ito ay pangunahing mga kinatawan ng bansang Israel, ang bansang ipinakikilala ng Bibliya na “ubasan” ng Diyos.
-
-
Ibinunyag ng mga Paghahalimbawa sa UbasanAng Bantayan—1990 | Enero 1
-
-
Walang kamalay-malay ang mga pinunong relihiyoso na sila na ang humahatol sa kanilang sarili, yamang sila’y kasali sa mga Israelitang “magsasaka” ng pambansang “ubasan” ni Jehova, ang Israel. Ang bunga na inaasahan ni Jehova sa gayong mga magsasaka ay pananampalataya sa kaniyang Anak, ang tunay na Mesiyas. Dahilan sa hindi nila pagbibigay ng gayong bunga, nagbabala si Jesus: “Kailanman baga’y hindi ninyo nabasa sa mga Kasulatan [sa Awit 118:22, 23], ‘Ang batong itinakuwil ng nangagtayo ng gusali ang siya ring ginawang pangulong batong-panulok. Ito’y mula kay Jehova, at ito’y kagila-gilalas sa ating mga mata’? Kaya nga’t sinasabi ko sa inyo, Ang kaharian ng Diyos ay aalisin sa inyo at ibibigay sa isang bansang nagkakabunga. At, ang taong mahulog sa batong ito ay madudurog. At para sa kaninumang malagpakan nito, siya’y pangangalatin nito na gaya ng alabok.”
-