-
Kung Paano Mananatiling PositiboAng Bantayan—2014 | Marso 15
-
-
8, 9. (a) Ano ang kalagayan ng dukhang babaing balo? (b) Anu-anong negatibong damdamin ang maaaring nadama niya?
8 Sa templo sa Jerusalem, isang dukhang babaing balo ang pinagmasdan ni Jesus. Makakatulong ang halimbawa ng balong ito para manatili tayong positibo sa kabila ng ating mga limitasyon. (Basahin ang Lucas 21:1-4.) Pag-isipan ang kalagayan ng balo. Nangungulila na nga siya sa kaniyang kabiyak, kailangan pa niyang pagtiisan ang mga lider ng relihiyon na “lumalamon ng mga bahay ng mga babaing balo” imbes na tumulong. (Luc. 20:47) Hirap na hirap siya sa buhay kaya ang naiabuloy niya sa templo ay katumbas lang ng kinikita ng isang trabahador sa loob ng ilang minuto.
9 Isipin kung ano ang nadarama ng balo habang papasók sa looban ng templo hawak ang dalawang maliliit na barya. Iniisip kaya niya na hindi lang sana iyon ang maiaabuloy niya kung buháy pa ang kaniyang asawa? Nahihiya kaya siya dahil malaki ang iniaabuloy ng mga nasa unahan niya at iniisip na walang halaga ang ibibigay niya? Kung gayon man ang nadama niya, ginawa pa rin niya ang kaniyang buong makakaya para sa tunay na pagsamba.
-
-
Kung Paano Mananatiling PositiboAng Bantayan—2014 | Marso 15
-
-
11. Ano ang matututuhan mo sa ulat tungkol sa babaing balo?
11 Ang maibibigay mo kay Jehova ay depende sa kalagayan mo. Dahil sa katandaan o kapansanan, limitado lang ang nagagawa ng ilan sa pangangaral ng mabuting balita. Makatuwiran ba na isipin nilang hindi na mahalagang iulat ang nagawa nila? Baka hindi ka naman gaanong nalilimitahan, pero naiisip mo pa rin na ang nagagawa mo ay maliit na bahagi lang ng kabuuang oras na ginugugol ng bayan ng Diyos taun-taon sa paglilingkod. Tandaan na sa ulat tungkol sa babaing balo, natutuhan natin na napapansin at pinahahalagahan ni Jehova ang anumang ginagawa natin para sa kaniya, lalo na kung ginawa ito sa kabila ng mahirap na kalagayan. Isipin ang paglilingkod mo kay Jehova noong nakaraang taon. Kinailangan mo bang gumawa ng malaking sakripisyo para sa isa sa mga oras na ginugol mo sa paglilingkod sa kaniya? Kung oo, makatitiyak ka na pinahahalagahan niya ang ginawa mo para sa kaniya nang oras na iyon. Gaya ng babaing balo, kapag ginagawa mo ang buong makakaya mo sa paglilingkod kay Jehova, may matibay kang dahilan na maniwalang ikaw ay “nasa pananampalataya.”
-