Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kailan Mamamahala sa Lupa ang Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2020 | Blg. 2
    • Sinabi ni Jesus: “Maglalabanan ang mga bansa at mga kaharian. Magkakaroon ng malalakas na lindol, gayundin ng mga epidemya at taggutom sa iba’t ibang lugar.” (Lucas 21:10, 11) Gaya ng mga linya na bumubuo sa isang fingerprint, lahat ng pangyayaring ito ay isang di-maikakailang tanda. At kung paanong ang isang fingerprint ay nagpapatunay ng pagkakakilanlan ng isang tao, ang mga pangyayaring ito na nagaganap nang sabay-sabay ay nagpapatunay rin na “malapit na ang Kaharian ng Diyos.” Talaga bang nakikita na ang mga pangyayaring iyan sa buong mundo? Tingnan ang mga ebidensiya.

  • Kailan Mamamahala sa Lupa ang Kaharian ng Diyos?
    Ang Bantayan (Pampubliko)—2020 | Blg. 2
    • 2. LINDOL

      Lindol na sumira sa isang gusali.

      Taon-taon, may mga 100 lindol na nagiging dahilan ng “matinding pinsala,” ang sabi ng Britannica Academic. At sinasabi ng report ng United States Geological Survey na “ayon sa matagal nang mga rekord (mula pa noong mga 1900), inaasahang may mga 16 na sobrang lalakas na lindol sa alinmang taon.” Sinasabi ng ilan na dumami lang ang mga lindol dahil mas nade-detect na ito ngayon. Pero kitang-kita na ang malalakas na lindol sa buong mundo ay nagiging dahilan ng pagdurusa at kamatayan ng maraming tao na hindi nararanasan noon.

      3. TAGGUTOM

      Isang line graph na nagpapakita ng pagbagsak ng produksiyon ng palay.

      Ang taggutom ay resulta ng digmaan, korapsiyon, pagbagsak ng ekonomiya, hindi maayos na pangangasiwa sa agrikultura, o kakulangan ng pagpaplano sa lumalala at di-normal na lagay ng panahon. Iniulat ng “2018 Year in Review” ng World Food Programme: “Sa buong mundo, 821 milyong tao ang kulang sa pagkain—124 na milyon sa kanila ang talagang nagugutom.” Malnutrisyon ang dahilan ng pagkamatay ng mga 3.1 milyong bata taon-taon. Noong taóng 2011, mga 45 porsiyento ng namamatay na bata sa buong mundo ay dahil sa malnutrisyon.

      4. SAKIT AT EPIDEMYA

      Mga simbolo ng biochemical hazard at baktirya.

      Isang publikasyon ng World Health Organization ang nagsabi: “Sa kasaysayan, ang ika-21 siglo ay nakilala sa malulubhang epidemya. Bumalik ang mga dati nang sakit—cholera, Black Death, at yellow fever—at may mga bago pang lumitaw—SARS, pandemic influenza, MERS, Ebola, at Zika.” Ang pinakahuli riyan ay ang COVID-19. Kahit marami nang alam ang mga siyentipiko at doktor tungkol sa mga sakit, hindi pa rin sila makahanap ng lunas para sa lahat ng ito.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share