-
Isang Daigdig na Ligtas sa SakitGumising!—2004 | Mayo 22
-
-
Kailan natin maaasahang darating ang Kaharian ng Diyos? Bilang sagot sa katanungang iyan, inihula ni Jesus na makikita ng mga tao sa daigdig ang sunud-sunod na mahahalagang pangyayari na magbibigay ng isang tanda na magpapahiwatig na malapit nang kumilos ang Kaharian. Ang isa sa mga pagkakakilanlang ito, ang sabi niya, ay ang biglang paglitaw ng ‘mga salot sa iba’t ibang dako.’ (Lucas 21:10, 11; Mateo 24:3, 7) Ang salitang Griego para sa “salot” ay tumutukoy sa “anumang nakamamatay at nakahahawang karamdaman.” Tiyak na nasaksihan ng ika-20 siglo ang nakapanghihilakbot na biglang mga paglitaw ng salot, sa kabila ng lahat ng pagsulong sa siyensiya ng medisina.—Tingnan ang kahong “Mga Kamatayan Dahil sa Salot Mula Noong 1914.”
Inilalarawan ng isang hula sa aklat ng Apocalipsis, na katulad ng mga salita ni Jesus sa mga Ebanghelyo, ang ilang mangangabayo na kasama ni Jesu-Kristo kapag nanungkulan na siya langit. Ang ikaapat na mangangabayo ay nakasakay sa “isang kabayong maputla,” at naghasik siya ng “nakamamatay na salot.” (Apocalipsis 6:2, 4, 5, 8) Pinatutunayan ng bilang ng mga namatay dahil sa ilang pangunahing nakahahawang mga sakit sapol noong 1914 na ang makasagisag na mangangabayong ito ay tunay ngang kumakaskas na. Ang paghihirap na dinaranas ng buong daigdig dahil sa “nakamamatay na salot” ay isa pang patotoo na malapit nang dumating ang Kaharian ng Diyos.b—Marcos 13:29.
-
-
Isang Daigdig na Ligtas sa SakitGumising!—2004 | Mayo 22
-
-
[Kahon sa pahina 12]
Mga Kamatayan Dahil sa Salot Mula Noong 1914
Ang mga estadistikang ito ay mga pagtantiya lamang. Gayunman, ipinakikita ng mga ito ang lawak ng pananalanta ng salot sa sangkatauhan mula noong 1914.
◼ Bulutong (mula 300 hanggang 500 milyon) Wala pang nagawang mabisang paraan ng paggamot noon para sa bulutong. Sa wakas, isang malawakan at internasyonal na programa sa pagbabakuna ang nagtagumpay sa pag-aalis ng sakit na ito noong 1980.
◼ Tuberkulosis (mula 100 milyon hanggang 150 milyon) Ang tuberkulosis ay pumapatay ngayon ng humigit-kumulang sa dalawang milyon katao taun-taon, at halos 1 sa bawat 3 katao sa daigdig ang may mga baktirya ng tuberkulosis.
◼ Malarya (mula 80 milyon hanggang 120 milyon) Sa unang kalahatian ng ika-20 siglo, ang bilang ng namamatay dahil sa malarya ay umabot sa mga dalawang milyon sa isang taon. Ang pinakamaraming namamatay sa ngayon ay nakasentro sa timugang Sahara sa Aprika, kung saan pumapatay pa rin ang malarya ng mahigit sa isang milyon katao taun-taon.
◼ Trangkaso Espanyola (mula 20 milyon hanggang 30 milyon) Sinasabi ng ilang istoryador na ang bilang ng namatay ay mas mataas pa. Sinalot ng nakamamatay na epidemyang ito ang daigdig noong 1918 at 1919, pagkatapos na pagkatapos ng unang digmaang pandaigdig. “Maging ang bubonic plague ay hindi pumatay ng gayon karaming tao nang gayon kabilis,” ang sabi ng aklat na Man and Microbes.
◼ Tipus (mga 20 milyon) Kadalasang ang mga epidemya ng tipus ay kasabay ng digmaan, at ang unang digmaang pandaigdig ang pinagmulan ng salot ng tipus na sumalot sa mga bansa sa Silangang Europa.
◼ AIDS (mahigit na 20 milyon) Ang makabagong salot na ito ay pumapatay sa ngayon ng tatlong milyon katao taun-taon. Ipinakikita ng kasalukuyang mga pagtantiya ng programa sa AIDS ng United Nations na “kung walang lubusan at malawakang mga pagsisikap sa pag-iwas at paggamot, 68 milyon katao ang mamamatay . . . mula sa taóng 2000 hanggang 2020.”
-