Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pedro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Sa tulong ng isa pang alagad, na maliwanag na sumunod o sumama sa kaniya hanggang sa tirahan ng mataas na saserdote, pumasok si Pedro sa mismong looban. (Ju 18:15, 16) Hindi siya nanatiling tahimik at nakakubli sa isang madilim na sulok kundi lumantad siya at nagpainit sa tabi ng apoy. Dahil sa liwanag ng apoy ay nakilala siya ng iba bilang kasamahan ni Jesus, at lalo pa silang naghinala dahil sa kaniyang puntong Galilea. Nang akusahan si Pedro, tatlong ulit niyang ikinaila na kilala niya si Jesus, anupat sumumpa pa nga nang bandang huli dahil sa tindi ng kaniyang pagkakaila. Sa isang dako sa lunsod ay tumilaok ang isang tandang sa ikalawang pagkakataon, at si Jesus ay “bumaling at tumingin kay Pedro.” Si Pedro ngayon ay lumabas, nanlupaypay, at tumangis nang may kapaitan. (Mat 26:69-75; Mar 14:66-72; Luc 22:54-62; Ju 18:17, 18; tingnan ang PAGTILAOK NG MANOK; SUMPA Blg. 1.) Gayunman, ang naunang pagsusumamo ni Jesus para kay Pedro ay sinagot, anupat hindi naman lubusang nanghina ang pananampalataya ni Pedro.​—Luc 22:31, 32.

  • Pedro
    Kaunawaan sa Kasulatan, Tomo 2
    • Ministeryo Nang Dakong Huli. Yamang “nakabalik” na siya mula sa pagkahulog sa silo ng pagkatakot, na pangunahin nang dahil sa labis na pagtitiwala sa sarili (ihambing ang Kaw 29:25), kailangan ngayong ‘palakasin ni Pedro ang kaniyang mga kapatid’ bilang pagtupad sa payo ni Kristo (Luc 22:32) at magpastol sa Kaniyang mga tupa. (Ju 21:15-17) Kaayon nito, gumanap si Pedro ng prominenteng bahagi sa gawain ng mga alagad pagkaakyat ni Jesus sa langit. Bago ang Pentecostes ng 33 C.E., iniharap ni Pedro sa kapulungan ang tungkol sa pagpili ng kapalit ng di-tapat na si Hudas, anupat nagbigay siya ng maka-Kasulatang katibayan para sa gayong pagkilos. Isinagawa ng kapulungan ang kaniyang rekomendasyon. (Gaw 1:15-26) Muli, noong Pentecostes, sa ilalim ng patnubay ng banal na espiritu, gumanap si Pedro bilang tagapagsalita para sa mga apostol at ginamit niya ang una sa “mga susi” na ibinigay sa kaniya ni Jesus, sa gayon ay binuksan ang daan upang ang mga Judio ay maging mga miyembro ng Kaharian.​—Gaw 2:1-41; tingnan ang SUSI, I.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share