-
Nanalangin sa Panahon ng Labis na KalungkutanJesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
-
-
Sobra ang pag-aalala ni Jesus sa kasiraang idudulot sa pangalan ng kaniyang Ama ng kamatayan niya bilang kriminal. Pero pinakikinggan ni Jehova ang panalangin ng kaniyang Anak, at nagsugo siya ng anghel para patibayin si Jesus. Gayunman, hindi huminto si Jesus sa pagsusumamo sa kaniyang Ama, kundi “nanalangin pa siya nang mas marubdob.” Napakatindi ng paghihirap ng kalooban niya. Mabigat ang nakaatang sa balikat ni Jesus! Buhay na walang hanggan ang nakataya—ni Jesus at ng mga taong nananampalataya. Sa tindi ng nararamdaman niya, ang “pawis niya ay naging parang dugo na pumapatak sa lupa.”—Lucas 22:44.
-