Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Pagtulong sa Anak Upang Lumaki sa Makadiyos na Karunungan
    Ang Bantayan—1987 | Pebrero 15
    • “Ngayon ang kaniyang mga magulang ay nahirati na pumaroon sa taun-taon sa Jerusalem para sa kapistahan ng paskua.” (Lucas 2:41) Sang-ayon sa Kautusan ng Diyos, bawat lalaki ay kailangang pumaroon sa Jerusalem para sa mga kapistahang iyan. (Deuteronomio 16:16) Subalit ang ulat ay nagsasabi na “ang kaniyang mga magulang ay nahirati na pumaroon.” Isinama ni Jose si Maria, at marahil ang iba pang miyembro ng pamilya, sa paglalakbay na iyon ng mahigit na 60 milya (100 km) sa Jerusalem para sa masayang okasyon. (Deuteronomio 16:6, 11) Iyon ay kanilang kaugalian​—isang regular na bahagi ng kanilang buhay. Gayundin, hindi nila ginawa iyon na para lamang masabing nagpunta sila roon; sila’y namalagi roon ng lahat ng araw ng kapistahan.​—Lucas 2:42, 43.

  • Pagtulong sa Anak Upang Lumaki sa Makadiyos na Karunungan
    Ang Bantayan—1987 | Pebrero 15
    • Di Napansin

      Nang si Jesus ay mas bata, walang alinlangan na hindi siya humihiwalay sa kaniyang mga magulang kung kasama siya sa mga taunang mga paglalakbay na ito sa malaking siyudad ng Jerusalem. Subalit, habang siya’y nagkakaedad marahil ay binibigyan siya ng higit na kalayaan. Nang siya’y 12 anyos, siya’y halos nasa edad na inaakala ng mga Judio na isang mahalagang yugto sa landas na patungo sa pagkalalaki. Marahil dahilan sa normal at natural na pagbabagong ito, di napansin na si Jesus ay nawawala nang ang pamilya ni Jose ay lilisan na sa Jerusalem at uuwi sa sariling bayan. Ang ulat ay kababasahan: “Ngunit nang sila’y pabalik na, ang batang si Jesus ay nagpaiwan sa Jerusalem, at hindi napansin iyon ng kaniyang mga magulang. Sa pag-aakala nila na siya’y kasama nilang naglalakbay, sila’y nakapaglakbay nang maghapon bago nila napansin iyon at saka nila hinanap siya sa mga kamag-anakan at mga kakilala.”​—Lucas 2:43, 44.

      May mga bahagi ang insidenteng ito na mapapansin ng kapuwa mga magulang at mga anak. Gayunman, mayroon isang pagkakaiba: si Jesus ay sakdal. Yamang siya’y masunurin at napasasakop kay Jose at kay Maria, hindi natin aakalain na hindi siya sumunod sa isang kaayusan na kanilang ginawa para sa kaniya. (Lucas 2:52) Malamang na ang nangyari ay nagkulang sila ng pagtatalastasan. Ipinagpalagay ng mga magulang na si Jesus ay kasa-kasama ng mga kamag-anak at mga kakilala. (Lucas 2:44) Madaling akalain na, sa pag-aapura na makaalis sa Jerusalem, ang una nilang aasikasuhin ay ang kanilang mga nakababatang anak at ipalalagay nila na ang kanilang panganay na anak, si Jesus, ay kasu-kasunod nila.

      Gayunman, marahil ay naisip ni Jesus na alam naman ng kaniyang mga magulang kung saan siya naroroon. Ito ang ipinahihiwatig ng tugon niya noong maglaon: “Bakit kailangang hanapin ninyo ako? Hindi ba ninyo alam na kailangang ako’y naroroon sa bahay ng aking Ama?” Dito’y hindi siya nawawalan ng paggalang. Ang kaniyang mga salita ay nagsisiwalat lamang ng kaniyang pagtataka dahil sa hindi alam ng kaniyang mga magulang kung saan siya matatagpuan. Iyon ay isang karaniwang halimbawa ng di pagkakaunawaan na maiintindihan ng maraming magulang na may nagsisilaking mga anak. ​—Lucas 2:49.

      Pag-isipan ang pagkabahala nina Jose at Maria nang magtatapos na ang unang araw na iyon, nang kanilang makita na nawawala si Jesus. At guni-gunihin ang kanilang lumalaking pagkabahala noong sumunod na dalawang araw na sila’y naghalughog sa Jerusalem sa paghahanap sa kaniya. Gayunman, lumabas na ang kanilang ginawang pagsasanay kay Jesus ay napakinabangan sa kagipitang ito. Si Jesus ay hindi naman napasama sa masamang barkada. Hindi niya dinadalhan noon ng kahihiyan ang kaniyang mga magulang. Nang kanilang masumpungan si Jesus, siya’y “nasa templo, nakaupo sa gitna ng mga guro at nakikinig sa kanila at nagtatanong sa kanila. Subalit lahat ng mga nakikinig sa kaniya ay patuloy na nanggigilalas sa kaniyang kaunawaan at sa kaniyang mga kasagutan.”​—Lucas 2:46, 47.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share