Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Aklat ng Bibliya Bilang 42—Lucas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 1. Anong uri ng Ebanghelyo ang isinulat ni Lucas?

      ANG Ebanghelyo ni Lucas ay likha ng isang taong may matalas na isip at mahabaging puso, at ang mahusay na tambalang ito, sa patnubay ng espiritu ng Diyos, ay nakalikha ng isang ulat na wasto at lipos ng pag-ibig at damdamin. Sinasabi ng pambungad, “Aking minagaling, matapos siyasatin ang lahat ng bagay nang may kawastuan mula noong una, na isulat ito sa iyo nang sunud-sunod.” Ang pag-aangking ito ay pinatutunayan ng kaniyang detalyado, maingat na paghaharap.​—Luc. 1:3.

  • Aklat ng Bibliya Bilang 42—Lucas
    “Lahat ng Kasulatan ay Kinasihan ng Diyos at Kapaki-pakinabang”
    • 4. Kailan malamang na isinulat ang Lucas, at anong mga kalagayan ang umaalalay rito?

      4 Kailan isinulat ni Lucas ang Ebanghelyo? Ayon sa Gawa 1:1 ang “unang ulat,” ang Ebanghelyo, ay natapos na ng manunulat ng Mga Gawa (na si Lucas din). Malamang na natapos ang Mga Gawa noong mga 61 C.E. nang si Lucas ay nasa Roma kasama ni Pablo, na naghihintay ng kaniyang pag-apela kay Cesar. Kaya ang Ebanghelyo ay malamang na isinulat sa Cesarea noong 56-58 C.E., pagbalik nina Lucas at Pablo mula Filipos matapos ang ikatlong paglalakbay misyonero ni Pablo at samantalang dalawang taon siyang nakabilanggo sa Cesarea bago magpunta sa Roma upang umapela. Yamang nasa Palestina si Lucas, angkop ang dakong yaon upang ‘masiyasat ang lahat ng bagay nang may kawastuan mula noong una’ tungkol sa buhay at ministeryo ni Jesus. Kaya ang ulat ni Lucas ay waring nauna sa Ebanghelyo ni Marcos.

      5. Mula saan ‘siniyasat [ni Lucas] nang may-kawastuan’ ang mga kaganapan sa buhay ni Jesus?

      5 Totoo, hindi saksi si Lucas sa lahat ng kaganapang iniulat niya sa Ebanghelyo, yamang hindi siya kabilang sa 12 at malamang na sumampalataya lamang siya pagkamatay ni Jesus. Ngunit matalik siyang kasama ni Pablo sa pagmimisyonero. (2 Tim. 4:11; Filem. 24) Kaya, mababakas ang impluwensiya ni Pablo sa pagsulat ni Lucas, gaya ng makikita kung paghahambingin ang kanilang mga ulat sa Hapunan ng Panginoon, sa Lucas 22:19, 20 at 1 Corinto 11:23-25. Bilang dagdag na reperensiya, maaaring sinangguni ni Lucas ang Ebanghelyo ni Mateo. Sa ‘pagsisiyasat nang may kawastuan,’ personal niyang makakapanayam ang mga nakasaksi sa buhay ni Jesus, gaya ng mga alagad na nabubuhay pa, pati na ang ina ni Jesus, si Maria. Tiyak na wala siyang kaliligtaan anumang mahalagang detalye.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share