Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Gaya ni Pedro, Huwag Sumuko
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2023 | Setyembre
    • 1. Ano ang naramdaman ni Pedro nang makahimala siyang tulungan ni Jesus na makahuli ng maraming isda?

      MAGDAMAG na nangisda si Pedro pero wala siyang nahuli. Pero sinabi ni Jesus sa kaniya: “Pumunta ka sa malalim, at ibaba ninyo ang inyong mga lambat para makahuli.” (Luc. 5:4) Sa tingin ni Pedro, wala siyang mahuhuli. Pero sumunod pa rin siya kay Jesus. Sa sobrang dami ng isdang nahuli nila, nagsimulang mapunit ang lambat. “Manghang-mangha” si Pedro at ang mga kasama niya nang maunawaan nila na himala iyon ni Jesus. Sinabi ni Pedro: “Panginoon, lumayo ka sa akin dahil makasalanan ako.” (Luc. 5:​6-9) Malamang na naramdaman niyang hindi siya nararapat makasama ni Jesus.

      2. Bakit makakatulong sa atin kung pag-aaralan natin ang halimbawa ni Pedro?

      2 Tama si Pedro—“makasalanan” siya. Makikita sa Kasulatan na may mga nasabi at nagawa siya na pinagsisihan niya. Nangyayari din ba iyan sa iyo? May ugali ka ba na gusto mong baguhin o kahinaan na matagal mo nang pinaglalabanan? Kung mayroon, mapapatibay ka kung pag-aaralan mo ang halimbawa ni Pedro. Bakit? Pag-isipan ito: Puwede sanang hindi na lang iniulat sa Bibliya ang mga pagkakamali ni Pedro. Pero ipinasulat ang mga iyon para matuto tayo. (2 Tim. 3:​16, 17) Kapag nalaman natin ang mga pinagdaanan ni Pedro, tutulong iyon sa atin na maunawaan na hindi inaasahan ni Jehova na maging perpekto tayo. Gusto niya na huwag tayong sumuko—na patuloy tayong maglingkod—kahit may mga kahinaan tayo.

  • Gaya ni Pedro, Huwag Sumuko
    Ang Bantayan (Pag-aaral)—2023 | Setyembre
    • Punong-puno ng isda ang mga lambat at nagsisimula nang lumubog ang bangka. Natakot at namangha si apostol Pedro. Pinapakinggan siyang mabuti ni Jesus. Nahihirapan naman ang isang lalaki sa paghatak ng mga lambat.

      Ano ang gagawin mo kung maranasan mo ang gaya ng nangyari kay Pedro? (Tingnan ang parapo 4)

      4. Gaya ng mababasa sa Lucas 5:​5-10, ano ang sinabi ni Pedro tungkol sa sarili niya, pero paano siya pinatibay ni Jesus?

      4 Hindi sinasabi sa Kasulatan kung bakit sinabi ni Pedro na “makasalanan” siya o kung anong mga kasalanan ang tinutukoy niya. (Basahin ang Lucas 5:​5-10.) Pero posibleng nakagawa siya ng malulubhang pagkakamali. Alam ni Jesus na natatakot si Pedro dahil baka iniisip niyang hindi siya karapat-dapat. Pero alam din ni Jesus na kayang manatiling tapat ni Pedro. Kaya mabait na sinabi ni Jesus sa kaniya na ‘huwag matakot.’ Dahil sa sinabing ito ni Jesus, nagbago ang buhay ni Pedro. Dumating ang panahon na iniwan niya at ng kapatid niyang si Andres ang negosyo nilang pangingisda para sumama kay Jesus sa ministeryo. Dahil diyan, talagang pinagpala sila ni Jehova.​—Mar. 1:​16-18.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share