Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Mga Pakinabang sa Pag-ibig sa Salita ng Diyos
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 1
    • 7. Anong ilustrasyon ang sinabi ni Jesus sa pulutong na dumating upang makinig sa kaniya?

      7 Itinampok sa isa sa mga talinghaga ni Jesus ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tamang pangmalas sa Salita ng Diyos. Habang ipinahahayag ni Jesus ang mabuting balita sa buong Palestina, nagtipon ang pulutong upang makinig sa kaniya. (Lucas 8:1, 4) Gayunman, hindi lahat ay talagang umiibig sa Salita ng Diyos. Walang alinlangan, marami ang dumating upang makinig sa kaniya dahil gusto nilang makakita ng mga himala o dahil sa natutuwa sila sa kahanga-hangang paraan niya ng pagtuturo. Kaya nga, nagbigay si Jesus sa pulutong ng isang ilustrasyon: “Isang manghahasik ang lumabas upang maghasik ng kaniyang binhi. Buweno, habang siya ay naghahasik, ang ilan sa mga iyon ay nahulog sa tabi ng daan at nayurakan, at inubos ito ng mga ibon sa langit. Ang iba ay nahulog sa malaking bato, at, pagkasibol, ito ay natuyo sapagkat walang halumigmig. Ang iba ay nahulog sa gitna ng mga tinik, at ito ay sinakal ng mga tinik na tumubong kasama nito. Ang iba ay nahulog sa mabuting lupa, at, pagkasibol, ito ay nagluwal ng bunga na isang daang ulit.”​—Lucas 8:5-8.

  • Mga Pakinabang sa Pag-ibig sa Salita ng Diyos
    Ang Bantayan—1999 | Nobyembre 1
    • 9. Ano ang inilalarawan ng binhing nahuhulog (a) sa tabi ng daan? (b) sa malaking bato? (c) sa matinik na lupa?

      9 Sinabi ni Jesus na ang ilang binhi ay nahulog sa tabi ng daan at nayurakan. Tumutukoy ito sa mga taong lubhang abala upang mag-ugat sa kanilang puso ang binhi ng Kaharian. Bago sila tubuan ng pag-ibig sa Salita ng Diyos, “ang Diyablo ay dumarating at kinukuha ang salita mula sa kanilang mga puso upang sila ay hindi maniwala at maligtas.” (Lucas 8:12) Ang ilang binhi ay nahulog sa malaking bato. Tumutukoy ito sa mga taong naakit sa mensahe ng Bibliya ngunit hindi hinayaang maimpluwensiyahan nito ang kanilang puso. Kapag nagkakaroon ng pagsalansang o nahihirapan silang ikapit ang payo ng Bibliya, sila’y “humihiwalay” sapagkat wala silang ugat. (Lucas 8:13) Mayroon namang mga nakikinig ng salita ngunit nabibigatan sa “mga kabalisahan at mga kayamanan at mga kaluguran sa buhay na ito.” Pagdating ng panahon, gaya ng mga halamang nasalabid sa mga tinik, “sila ay lubusang nasasakal.”​—Lucas 8:14.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share