Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Ang Pagbabagong-Anyo—Isang Sulyap sa Kaluwalhatian ni Kristo
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Habang nagtuturo sa rehiyon ng Cesarea Filipos, na mga 25 kilometro mula sa Bundok Hermon, may sinabi si Jesus na ikinagulat ng mga apostol: “Sinasabi ko sa inyo na may ilan sa mga nakatayo rito na hindi mamamatay hanggang sa makita muna nila ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang Kaharian.”—Mateo 16:28.

      Malamang na pinag-isipan ng mga alagad ang ibig sabihin ni Jesus. Mga isang linggo ang lumipas, isinama niya sina Pedro, Santiago, at Juan sa isang bundok. Malamang na gabi na dahil inaantok na ang tatlong apostol. Habang nananalangin si Jesus, nagbagong-anyo siya. Nakita ng mga apostol na nagliliwanag na gaya ng araw ang kaniyang mukha at ang kaniyang damit ay nagniningning sa kaputian.

  • Ang Pagbabagong-Anyo—Isang Sulyap sa Kaluwalhatian ni Kristo
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Tiyak na napatibay si Jesus at ang mga apostol sa pangitaing iyon! Isang sulyap iyon sa kaluwalhatian ni Kristo sa Kaharian. Gaya ng ipinangako ni Jesus, nakita ng mga alagad “ang Anak ng tao na dumarating sa kaniyang Kaharian.” (Mateo 16:28) Naging “mga saksi [sila] sa kaniyang karingalan” noong nasa bundok sila. Hindi binigyan ang mga Pariseo ng tanda na magpapatunay na si Jesus ang pinili ng Diyos bilang Hari. Pero pinahintulutan ang malalapít na alagad na makita ang pagbabagong-anyo ni Jesus, na garantiyang matutupad ang mga hula tungkol sa Kaharian. Isinulat ni Pedro nang maglaon: “Taglay namin ang makahulang salita na ginawang higit na tiyak.”—2 Pedro 1:16-19.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share