Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Kapag Dumating si Jesus na Nasa Kaluwalhatian ng Kaharian
    Ang Bantayan—1997 | Mayo 15
    • 4 Ano nga ba ang talagang nakita ng tatlong apostol? Ganito ang paglalarawan ni Lucas sa pangyayari: “Habang [si Jesus] ay nananalangin ang kaanyuan ng kaniyang mukha ay naiba at ang kaniyang kasuutan ay naging maputi na kumikinang. Gayundin, narito! dalawang lalaki ang nakikipag-usap sa kaniya, na sina Moises at Elias. Ang mga ito ay nagpakita na may kaluwalhatian at nagpasimulang magsalita tungkol sa kaniyang pag-alis na itinalagang tuparin niya sa Jerusalem.” Nang magkagayon, “isang ulap ang namuo at nagpasimulang lumilim sa [mga apostol]. Nang sila ay mapasok sa ulap, sila ay natakot. At isang tinig ang nanggaling sa ulap, na nagsasabi: ‘Ito ang aking Anak, ang isa na pinili. Makinig kayo sa kaniya.’ ”​—Lucas 9:29-31, 34, 35.

  • Kapag Dumating si Jesus na Nasa Kaluwalhatian ng Kaharian
    Ang Bantayan—1997 | Mayo 15
    • 5. Ano ang naging epekto kay apostol Pedro ng pagbabagong-anyo?

      5 Kinilala na ni apostol Pedro si Jesus bilang “ang Kristo, ang Anak ng Diyos na buháy.” (Mateo 16:16) Tiniyak ng mga salita ni Jehova mula sa langit ang pagkilalang iyan, at ang pangitain ng pagbabagong-anyo ni Jesus ay isang patikim ng pagdating ni Kristo taglay ang kapangyarihan at kaluwalhatian ng Kaharian, na sa wakas ay hahatol sa sangkatauhan. Mahigit na 30 taon pagkatapos ng pagbabagong-anyo, sumulat si Pedro: “Hindi sa pagsunod sa mga kuwentong di-totoo na may-katusuhang kinatha na ipinabatid namin sa inyo ang kapangyarihan at pagkanaririto ng ating Panginoong Jesu-Kristo, kundi sa pagiging mga saksing nakakita sa kaniyang karingalan. Sapagkat tumanggap siya ng karangalan at kaluwalhatian mula sa Diyos na Ama, nang ang mga salitang gaya ng mga ito ay ibinigay sa kaniya ng maringal na kaluwalhatian: ‘Ito ang aking anak, ang aking iniibig, na akin mismong sinang-ayunan.’ Oo, ang mga salitang ito ay narinig naming ibinigay mula sa langit habang kami ay kasama niya sa banal na bundok.”​—2 Pedro 1:16-18; 1 Pedro 4:17.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share