Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Nagsugo si Jesus ng 70 Alagad
    Ang Bantayan—1998 | Marso 1
    • TAGSIBOL noon ng 32 C.E. Anim na buwan na lamang ang natitira bago ang kamatayan ni Jesus. Kaya naman, upang mapabilis ang gawaing pangangaral at higit pang masanay ang ilan sa kaniyang mga tagasunod, nagtalaga siya ng 70 alagad at “isinugo sila nang dala-dalawa sa unahan niya sa bawat lunsod at dako na kung saan siya mismo ay paroroon.”​—Lucas 10:1.a

      Sinugo ni Jesus ang kaniyang mga alagad “sa unahan niya” upang ang mga tao’y mabilis na makapagpasiya kung sila’y panig o laban sa Mesiyas kapag si Jesus mismo ay dumating sa dakong huli. Subalit bakit niya sila sinugo “nang dala-dalawa”? Maliwanag, upang sila’y magpatibayan sa isa’t isa kapag sila’y napaharap sa pagsalansang.

  • Nagsugo si Jesus ng 70 Alagad
    Ang Bantayan—1998 | Marso 1
    • Karaniwan na, ang mga Saksi ni Jehova ay nakikitang gumagawa nang dala-dalawa. Hindi ba’t mas marami ang magagawa kung ang bawat isa sa kanila ay gagawang mag-isa? Marahil. Gayunpaman, kinikilala ng mga Kristiyano ngayon ang pakinabang ng paggawang kaagapay ng kapananampalataya. Isa itong proteksiyon kapag nagpapatotoo sa mapanganib na mga lugar. Ang paggawang kasama ng isang kapareha ay nagpapangyari rin sa mga baguhan na makinabang sa kasanayan ng mas makaranasang mga mamamahayag ng mabuting balita. Tunay, kapuwa sila makapagpapalitan ng pampatibay-loob.​—Kawikaan 27:17.

  • Nagsugo si Jesus ng 70 Alagad
    Ang Bantayan—1998 | Marso 1
    • a Ang ilang Bibliya at sinaunang mga manuskritong Griego ay nagsasabi na si Jesus ay nagsugo ng “pitumpu’t dalawang” alagad. Gayunman, maraming manuskrito ang sumusuporta sa pagbasa na “pitumpu.” Ang teknikalidad na ito ay hindi dapat mag-alis sa pangunahing punto, na si Jesus ay nagsugo ng malaking grupo ng kaniyang mga alagad upang mangaral.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share