-
“Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
12 Tinuruan din ni Jesus ang mga alagad niya na umiwas na magambala ng anumang bagay na hindi naman talaga mahalaga. Sinabi niya: “Huwag ninyong batiin ang sinuman sa daan.” (Lucas 10:4) Sinasabihan ba sila ni Jesus na huwag maging palakaibigan? Hindi naman. Noong panahon ni Jesus, hindi lang basta nagbabatian ang mga taong nagkikita sa daan. Madalas nang mahaba ang pag-uusap nila. Sinasabi ng isang iskolar ng Bibliya: “Ang mga pagbati ng mga taga-Silangan ay naiiba kaysa sa atin na bahagyang yumuyukod, o nakikipagkamay. Sa halip, nagbabatian sila sa pamamagitan ng maraming ulit na pagyakap, pagyukod, at pagpapatirapa pa nga. Ang lahat ng ito ay umuubos ng maraming panahon.” Nang sabihin ni Jesus sa mga alagad niya na huwag nang gawin ang ganitong pagbati, para na rin niyang sinabi: “Huwag n’yong sayangin ang panahon n’yo, kasi kailangan n’yong sabihin agad ang dala n’yong mensahe.”b
-
-
“Humayo Kayo at Gumawa ng mga Alagad”Halika Maging Tagasunod Kita
-
-
b Halos ganiyan din ang ibinigay na tagubilin ni propeta Eliseo sa lingkod niyang si Gehazi. Nang isugo niya ito sa bahay ng isang babaeng namatayan ng anak, sinabi ni Eliseo: “Kung may makasalubong ka, huwag mong batiin.” (2 Hari 4:29) Apurahan ang atas na ito at kailangang magawa agad.
-