-
Nagsugo si Jesus ng 70 AlagadAng Bantayan—1998 | Marso 1
-
-
Tinagubilinan pa ni Jesus ang kaniyang mga alagad: “Huwag kayong magdala ng supot ng salapi, ni supot ng pagkain, ni mga sandalyas, at huwag yakapin sa pagbati sa daan ang sinuman.” (Lucas 10:4) Kaugalian na ng isang manlalakbay na magdala hindi lamang ng supot ng pagkain kundi ng karagdagang pares din ng sandalyas, sapagkat maaaring mapudpod ang suwelas at masira ang mga panali. Subalit ang mga alagad ni Jesus ay hindi dapat mag-alala tungkol sa mga bagay na iyon. Bagkus, dapat silang magtiwala na pangangalagaan sila ni Jehova sa pamamagitan ng mga kapuwa Israelita, na sa kanila ay isang kaugalian ang pagiging mapagpatuloy.
Subalit bakit sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad na huwag yakapin sa pagbati ang sinuman? Sila ba’y dapat na maging malamig, bastos pa nga? Hindi naman! Ang salitang Griego na a·spaʹzo·mai, na nangangahulugang yakapin sa pagbati, ay maaaring mangahulugan ng higit pa sa magalang na “kumusta” o “magandang araw.” Maaaring kasali rin ang kinaugaliang mga paghalik, pagyakap, at mahahabang pag-uusap na maaaring mangyari kapag nagkita ang dalawang magkakilala. Ganito ang sabi ng isang komentarista: “Ang mga pagbati sa mga taga-Oryente ay hindi lamang bahagyang pagyuko, o pagkumusta, na gaya ng sa atin, kundi ginagawa ito sa pamamagitan ng maraming pagyapos, at pagyuko, at pagpapatirapa pa nga sa lupa. Lahat ng ito’y nangangailangan ng maraming panahon.” (Ihambing ang 2 Hari 4:29.) Sa gayo’y tinulungan ni Jesus ang kaniyang mga alagad na iwasan ang di-kinakailangan, bagaman kinaugalian, na mga pang-abala.
-
-
Nagsugo si Jesus ng 70 AlagadAng Bantayan—1998 | Marso 1
-
-
Ang atas na mangaral ng mabuting balita ng Kaharian ng Diyos at gumawa ng mga alagad ay isinasagawa ngayon ng mahigit na 5,000,000 Saksi ni Jehova sa buong daigdig. (Mateo 24:14; 28:19, 20) Batid nila na ang kanilang mensahe ay apurahan. Kaya nga, ginagamit nila sa pinakamabuti ang kanilang panahon, anupat iniiwasan ang mga pang-abala na hahadlang sa kanila sa pagbibigay ng buong pansin sa kanilang mahalagang atas.
Ang mga Saksi ni Jehova ay nagsisikap na maging palakaibigan sa lahat ng nakakatagpo nila. Gayunman, hindi lamang sila nakikipagdaldalan, ni nakikisangkot man sila sa mga debate tungkol sa mga usaping panlipunan o sa bigong mga pagsisikap ng daigdig na ito na ituwid ang mga kawalan ng katarungan. (Juan 17:16) Sa halip, itinutuon nila ang kanilang pakikipag-usap sa tanging pangmatagalang lunas sa mga suliranin ng tao—ang Kaharian ng Diyos.
-