Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Bakit Dapat Mong Ibigin ang Iyong Kapuwa?
    Ang Bantayan—1993 | Setyembre 15
    • Pagkasabi niyan, ang nag-usisa kay Jesus ay nagtanong: “Sino nga ba ang aking kapuwa?” Sa halip na tumugon nang tuwiran, inilahad ni Jesus ang isang ilustrasyon tungkol sa isang lalaking Judio na ninakawan, binugbog, at iniwan na halos patay na. Sádarating naman ang dalawang Judio​—ang una ay isang saserdote at pagkatapos ay isang Levita. Kapuwa sila nagmasid sa kalagayan ng kanilang kapuwa Judio ngunit hindi gumawa ng anuman upang tulungan siya. Isang Samaritano ang sumunod na dumaan. Udyok ng pagkaawa, nilinis niya ang mga sugat ng nasaktang Judio, dinala siya sa isang bahay-tuluyan, at naglaan para sa pag-aasikaso sa kaniya roon.

      Tinanong ni Jesus ang nag-usisa sa kaniya: “Sino sa tatlong ito sa palagay mo ang ginawa ang sarili niya na isang kapuwa ng taong pinagsamantalahan ng mga mandarambong?” Maliwanag, iyon ay ang maawaing Samaritano. Sa gayo’y ipinakita ni Jesus na hindi inaalintana ng tunay na pag-ibig sa kapuwa ang mga balakid na likha ng pagkakaiba ng pinagmulang lahi.​—Lucas 10:29-37.

  • Posible ang Pag-ibig sa Kapuwa
    Ang Bantayan—1993 | Setyembre 15
    • Ang Mainam na Halimbawa ni Jesus

      Ang mga Judio noong unang siglo ay namumuhi sa mga Samaritano, mga taong naninirahan sa isang lugar sa pagitan ng Judea at Galilea. Minsan may pag-alipustang nagtanong kay Jesus ang mga Judiong mananalansang: “Hindi ba tama ang aming pagkasabi na, Ikaw ay isang Samaritano at mayroon kang demonyo?” (Juan 8:48) Napakatindi ng pagkamuhi nila sa mga Samaritano anupat ang ilang Judio ay hayagang nanunungayaw sa mga Samaritano sa mga sinagoga at nananalangin araw-araw na huwag pagkalooban ang mga Samaritano ng buhay na walang-hanggan.

      Ang pagkaalam sa ganitong matinding pagkapoot ang tiyak na nag-udyok kay Jesus na ibigay ang ilustrasyon tungkol sa Samaritanong nagpatunay na siya’y isang tunay na kapuwa dahil sa pag-aasikaso sa lalaking Judio na ginulpi ng mga mandarambong. Papaano kaya sinagot ni Jesus ang tanong ng lalaking Judio na may kaalaman sa Kautusang Mosaico: “Sino bang talaga ang aking kapuwa?” (Lucas 10:29) Buweno, maaaring tumugon si Jesus nang tuwiran sa pagsasabing: ‘Ang iyong kapuwa ay hindi lamang ang iyong kapuwa Judio kundi pati ang ibang tao, maging siya’y isang Samaritano.’ Gayunman, mahihirapan ang mga Judio na tanggapin iyon. Kaya inilahad niya ang ilustrasyon tungkol sa isang Judio na kinaawaan ng isang Samaritano. Sa gayo’y tinulungan ni Jesus ang mga Judiong tagapakinig na manghinuha na ang tunay na pag-ibig sa kapuwa ay aabot hanggang sa mga di-Judio.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share