Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Kung Walang Ilustrasyon ay Hindi Siya Nagsasalita sa Kanila”
    Ang Bantayan—2002 | Setyembre 1
    • 14. Sa talinghaga hinggil sa mapagkawanggawang Samaritano, bakit mahalaga na ginamit ni Jesus ang daang bumabagtas “mula sa Jerusalem patungong Jerico” upang mapalitaw ang kaniyang punto?

      14 Ikalawa, alalahanin ang talinghaga hinggil sa mapagkawanggawang Samaritano. Nagsimula si Jesus sa pagsasabing: “Isang tao ang bumababa mula sa Jerusalem patungong Jerico at nahulog sa kamay ng mga magnanakaw, na siya ay kapuwa hinubaran at pinaghahampas, at nagsialis, na iniwan siyang halos patay na.” (Lucas 10:30) Kapansin-pansin, ginamit ni Jesus ang daang bumabagtas “mula sa Jerusalem patungong Jerico” upang palitawin ang kaniyang punto. Nang ilahad niya ang talinghagang ito, siya ay nasa Judea, hindi kalayuan mula sa Jerusalem; kaya malamang na alam ng kaniyang mga tagapakinig ang tungkol sa inilarawang daan. Ang partikular na daang iyon ay kilalang mapanganib, lalo na para sa sinuman na mag-isang naglalakbay. Paliku-liko ito sa iláng na lugar, anupat maraming mapagkukublihan ang mga magnanakaw.

      15. Bakit walang sinumang makatuwirang makapagdadahilan sa pagwawalang-bahala ng saserdote at ng Levita sa ilustrasyon hinggil sa mapagkawanggawang Samaritano?

      15 May isang bagay pa na kapansin-pansin sa pagbanggit ni Jesus sa daang ‘pababa mula sa Jerusalem patungong Jerico.’ Ayon sa istorya, una ay isang saserdote at pagkatapos ay isang Levita naman ang dumaan din sa daang iyon​—bagaman pareho silang hindi huminto upang tulungan ang biktima. (Lucas 10:31, 32) Ang mga saserdote ay naglilingkod sa templo sa Jerusalem, at tinutulungan naman sila ng mga Levita. Maraming saserdote at Levita ang naninirahan sa Jerico kapag hindi sila nagtatrabaho sa templo, sapagkat ang Jerico ay 23 kilometro lamang mula sa Jerusalem. Kaya, walang alinlangan na nakapaglalakbay sila sa daang iyon. Pansinin din na ang saserdote at Levita ay dumaraan doon “mula sa Jerusalem,” sa gayon ay palayo mula sa templo.b Kaya walang makatuwirang makapagdadahilan sa pagwawalang-bahala ng mga lalaking ito sa pagsasabing, ‘Iniwasan nila ang sugatang lalaki dahil mukhang patay na siya, at ang paghawak sa isang bangkay ay magpapangyari sa kanila na pansamantalang maging di-karapat-dapat sa paglilingkod sa templo.’ (Levitico 21:1; Bilang 19:11, 16) Hindi ba’t malinaw na inilalarawan ng mga ilustrasyon ni Jesus ang mga bagay na pamilyar sa kaniyang mga tagapakinig?

  • “Kung Walang Ilustrasyon ay Hindi Siya Nagsasalita sa Kanila”
    Ang Bantayan—2002 | Setyembre 1
    • b Ang Jerusalem ay mas mataas kaysa sa Jerico. Samakatuwid, kapag naglalakbay “mula sa Jerusalem patungong Jerico,” gaya ng binanggit sa talinghaga, ang naglalakbay ay “bumababa.”

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share