-
Sino si Jesus?Masayang Buhay Magpakailanman—Isang Pag-aaral sa Bibliya
-
-
6. Makikinabang tayo kapag nakilala natin si Jesus
Sinasabi ng Bibliya kung bakit napakahalaga na makilala si Jesus at malaman ang papel niya sa layunin ng Diyos. Basahin ang Juan 14:6 at 17:3. Pagkatapos, talakayin ang tanong na ito:
Bakit napakahalagang makilala si Jesus?
Si Jesus ang daan para maging kaibigan ng Diyos. Itinuro niya ang katotohanan tungkol kay Jehova, at dahil sa kaniya, puwede tayong magkaroon ng buhay na walang hanggan
-