Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Alagaan Mo ang Punong Ubas na Ito”!
    Ang Bantayan—2006 | Hunyo 15
    • Kung paanong inihalintulad ni Jehova ang literal na Israel sa punong ubas, gumamit din si Jesus ng nakakatulad na metapora. Noong panahon ng tinatawag ng marami na Huling Hapunan, sinabi ni Jesus sa kaniyang mga alagad: “Ako ang tunay na punong ubas, at ang aking Ama ang tagapagsaka.” (Juan 15:1) Inihalintulad ni Jesus ang kaniyang mga alagad sa mga sanga ng punong ubas. Ang lakas ng mga sanga ng literal na punong ubas ay nagmumula sa pinakapuno nito, kaya naman ang mga alagad ni Kristo ay kailangang manatiling kaisa niya. “Kung hiwalay sa akin ay wala kayong magagawang anuman,” ang sabi ni Jesus. (Juan 15:5) Kung paanong inaalagaan ng mga magsasaka ang punong ubas upang may anihin sila, inaasahan naman ni Jehova na magluluwal ng mga espirituwal na bunga ang kaniyang bayan. Ito ang nagdudulot ng kasiyahan at kaluwalhatian sa Diyos, ang Tagapagsaka ng punong ubas.​—Juan 15:8.

  • “Alagaan Mo ang Punong Ubas na Ito”!
    Ang Bantayan—2006 | Hunyo 15
    • ‘Patuloy Kayong Mamunga ng Marami’

      Ang makasagisag na mga sanga ng “tunay na punong ubas” ay kumakatawan sa pinahirang mga Kristiyano. Ngunit kailangan ding patunayan ng “ibang mga tupa” na sila mismo ay mabungang mga alagad ni Kristo. (Juan 10:16) Maaari din silang ‘mamunga ng marami’ at magdulot ng kaluwalhatian sa kanilang makalangit na Ama. (Juan 15:5, 8) Ipinaaalaala sa atin ng ilustrasyon ni Jesus hinggil sa tunay na punong ubas na ang kaligtasan ay nakasalalay sa pananatili nating kaisa ni Kristo at sa pagluluwal ng mabubuting espirituwal na bunga. Sinabi ni Jesus: “Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, kayo ay mananatili sa aking pag-ibig, kung paanong tinupad ko ang mga utos ng Ama at nananatili sa kaniyang pag-ibig.”​—Juan 15:10.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share