Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • “Sino ang Karapat-dapat na Magbukas ng Balumbon?”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 7. Bakit si Jesus ang karapat-dapat na kumuha ng balumbon mula sa kamay ng Isa na nakaupo sa trono?

      7 Bilang isang sakdal na tao, namumukod-tangi si Jesus sa tapat na paglilingkod kay Jehova sa ilalim ng napakatinding mga pagsubok. Nailaan niya ang ganap na kasagutan sa hamon ni Satanas. (Kawikaan 27:11) Kaya noong gabi bago ang kaniyang sakripisyong kamatayan, masasabi niya, “Dinaig ko ang sanlibutan.” (Juan 16:33) Dahil dito, ipinagkatiwala ni Jehova sa binuhay-muling si Jesus ang “lahat ng awtoridad . . . sa langit at sa lupa.” Siya lamang sa lahat ng mga lingkod ng Diyos ang karapat-dapat na tumanggap sa balumbon, upang ihayag ang napakahalagang mensahe nito.​—Mateo 28:18.

  • “Sino ang Karapat-dapat na Magbukas ng Balumbon?”
    Apocalipsis—Malapit Na ang Dakilang Kasukdulan Nito!
    • 11. Bakit hindi kawalang-galang na ilarawan ang niluwalhating si Jesus bilang “isang kordero na para bang pinatay”?

      11 Isa bang paghamak o kawalang-galang sa paanuman na ilarawan ang niluwalhating si Jesus bilang “isang kordero na para bang pinatay”? Aba, hindi! Ang pananatiling tapat ni Jesus hanggang sa kamatayan ay malaking kabiguan para kay Satanas at malaking tagumpay naman para sa Diyos na Jehova. Ang ganitong paglalarawan kay Jesus ay maliwanag na nagpapakita ng kaniyang pananaig laban sa sanlibutan ni Satanas at nagsisilbing paalaala sa matimyas na pag-ibig ni Jehova at ni Jesus para sa sangkatauhan. (Juan 3:16; 15:13; ihambing ang Colosas 2:15.) Sa gayo’y natukoy si Jesus bilang ang ipinangakong Binhi, na namumukod-tanging karapat-dapat na magbukas ng balumbon.​—Genesis 3:15.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share