Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Sino ang Sinusunod Mo—Ang Diyos o ang Tao?
    Ang Bantayan—2005 | Disyembre 15
    • 7. Bakit ikinagalit ng mga punong saserdote ang gawaing pangangaral?

      7 Ikinagalit ng mga punong saserdote ang determinasyon ng mga apostol na patuloy na mangaral. Ang ilang saserdote, pati si Caifas mismo, ay mga Saduceo, na hindi naniniwala sa pagkabuhay-muli. (Gawa 4:1, 2; 5:17) Subalit patuloy na iginigiit ng mga apostol na si Jesus ay binuhay-muli mula sa mga patay. Karagdagan pa, ginawa ng ilan sa mga punong saserdote ang lahat upang makamit ang pabor ng mga Romanong awtoridad. Sa paglilitis kay Jesus, nang bigyan ng pagkakataon ang mga punong saserdote na tanggapin si Jesus bilang kanilang hari, ganito pa nga ang isinigaw nila: “Wala kaming hari kundi si Cesar.” (Juan 19:15)a Hindi lamang pinaninindigan ng mga apostol na binuhay-muli si Jesus kundi itinuturo rin nila na maliban sa pangalan ni Jesus, “walang ibang pangalan sa silong ng langit na ibinigay sa mga tao na siya nating dapat ikaligtas.” (Gawa 2:36; 4:12) Kung kikilalanin ng mga tao bilang kanilang Lider ang binuhay-muling si Jesus, nangangamba ang mga saserdote na baka dumating ang mga Romano at maiwala ng mga lider na Judio ‘kapuwa ang kanilang dako at ang kanilang bansa.’​—Juan 11:48.

  • Sino ang Sinusunod Mo—Ang Diyos o ang Tao?
    Ang Bantayan—2005 | Disyembre 15
    • a Ang “Cesar” na hayagang sinuportahan ng mga punong saserdote noong panahong iyon ay ang kinasusuklamang emperador ng Roma na si Tiberio, isang mapagpaimbabaw at mamamaslang. Kilala rin si Tiberio sa kaniyang kasuklam-suklam na seksuwal na mga gawain.​—Daniel 11:15, 21.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share