Watchtower ONLINE LIBRARY
Watchtower
ONLINE LIBRARY
Tagalog
  • BIBLIYA
  • PUBLIKASYON
  • PULONG
  • Walang Laman ang Libingan—Buháy si Jesus!
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Gulát na gulát ang mga babae nang makita nilang walang laman ang libingan ni Jesus! Tumakbo si Maria Magdalena papunta “kay Simon Pedro at sa isa pang alagad, na minamahal ni Jesus”—si apostol Juan. (Juan 20:2) Pero ang mga babaeng naiwan sa libingan ay nakakita ng anghel. At may isa pang anghel sa loob mismo ng libingan, na “nakasuot ng mahabang damit na puti.”—Marcos 16:5.

  • Walang Laman ang Libingan—Buháy si Jesus!
    Jesus—Ang Daan, ang Katotohanan, ang Buhay
    • Samantala, nakita ni Maria sina Pedro at Juan. Habang humihingal, sinabi niya: “Kinuha nila ang Panginoon mula sa libingan, at hindi namin alam kung saan nila siya dinala.” (Juan 20:2) Tumakbo agad sina Pedro at Juan papunta sa libingan. Mas mabilis tumakbo si Juan kaya nauna siyang dumating. Sumilip siya sa libingan at nakita ang telang lino, pero hindi siya pumasok.

      Pagdating ni Pedro, dumeretso siya sa loob. Nakita niya ang mga telang ipinambalot kay Jesus. Pumasok ngayon si Juan, at napatunayang totoo ang ulat ni Maria. Sa kabila ng mga sinabi ni Jesus bago nito, hindi pa rin nila naunawaan na binuhay siyang muli. (Mateo 16:21) Umuwi sila sa bahay na gulong-gulo ang isip. Pero si Maria, na kababalik lang ngayon sa libingan, ay nanatili roon.

Mga Publikasyon sa Tagalog (1982-2025)
Mag-Log Out
Mag-Log In
  • Tagalog
  • I-share
  • Gusto Mong Setting
  • Copyright © 2025 Watch Tower Bible and Tract Society of Pennsylvania
  • Kasunduan sa Paggamit
  • Patakaran sa Privacy
  • Privacy Settings
  • JW.ORG
  • Mag-Log In
I-share